Monday, January 25, 2010

Txtspeak

Sa panahon ngayon na usong-uso ang pagte-text (tinawag na nga tayo na Text Capital of the world eh!), iba't ibang klaseng "TXTSPEAK" na rin ang umusbong. Naalala ko dati, para magkasya sa isang text message eh nagsho-short cut ang mga tao sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga Vowels sa mga salita nila. Katulad na lang nito:
Hello, how are you? --> Hello, hw r u?
Where are you? Can I call you? --> Wer u? Cn I kol?
At dyan rin na-uso ang sikat na sikat na "Wer n u? D2 n me." Dyan rin nakuha ang sikat na game show na "Gme k n b?" Kung babasahin mo, nakaka-inis sya di ba? Pero okay lang, kasi kailangan gawin ito para magkasya sa isang text message. Ang hindi ko lang maintindihan dito, eh kahit kasi sa chat eh nagte-text speak pa rin ang mga tao. Sa chat, public forums, or emails, walang limit ang message na pwede mong ilagay. So bakit kapag nag-tatype ang mga tao eh parang cellphone pa rin ang gamit nila!?

At ngayon, ang text messages na pwede mong i-send ay halos wala ng limit. Makabago na masyado ang mga cellphone na ginagamit ng mga tao na pwede na sila mag-text ng merong napaka-haba na message. At dahil dito, umusbong na naman ang bagong style sa pagte-text. Hindi ko alam ano ang tawag dito, pero itawag na lang natin sya sa style na JEJEJE.

Umpisahan natin sa origin ng jejeje na yan. Kasi ang HEHEHE (as in yung pagtawa) ginawa nilang JEJEJE. Mas madali kasi pindutin sa text (lalo na kung yung cellphone mo eh yung number keypads pa rin). Ang letter H, 2x mo pa kailangan i-press. Kapag letter J, isang beses lang. So mas madali di ba? Pero ang hindi ko na naman maintindihan, bakit pati sa chat at kahit sa Facebook eh jejeje pa rin sila?? Kala mo naman Espanyol sila para gawin yun. Haha. Ano ba yan!

Sa tingin ko rin naging JEJEJE yan dahil J stands for Jologs. Bakit nga ba sila jologs? Kasi naman, ang mga pwedeng sabihin in 2 letters only eh pinapa-haba pa nila! Kung ano sa pagtitipid sa pag-gamit ng letters noon, ngayon naman eh the longer the better. Nilalagyan ng pagkarami-raming H at pagkarami-raming W sa mga words!! Para saan ba yung mga yun!?! At yung letter S ay ginagawa nilang letter Z at letter B ginagawang letter V!?!?! Kala nila cute!! Eh hindi naman pucha. Nakakainis pa nga eh!! So pag kunwari nagtanong ako ng "Nasa office ka na ba?" sa Jejeje way of texting, ganito yan: "nzah ofizz na pohwz vah u?" Watdahel!?

At ano ba ang isyu sa pag-alternate ng letters!? Bakit kailangan UpPeRcAsE then LoWeRcAsE letters ang pagttype!? Hindi ba sila nahihirapan lalo sa ganyan!? Ako nga, nag-spend ng 58 seconds kaka-type lang nun, pero kung normal na uppercase then lowercase lang eh 10seconds lang ang na-consume ko. Cute ba yan!? Pano naging cute yan eh napaka-jologs!!

Bilang examples, ganito magtext / magsulat ang mga Jejeje na yan:
Musta --> MuZztaH
Hello --> EoWhhZ
Morning --> mOhwNiNzz
Mo --> mOhw
Po --> PoHwzz
Okay --> OhkEiZz
Thanks -- > ThEinKzz
Sorry --> SoWrihH
Anak ng tokwa, kung hindi ka man lang baliw eh bakit mo pahihirapan ang sarili mo kaka-dagdag ng H at W at EI sa mga salita na pwede mo naman ito paiksi-hin!? Haynako, hindi ko talaga maintindihan ang mga taong ito. Bat ba ang jologs nyo!?

4 comments: