Thursday, December 3, 2009

Symptoms ng Taong In Love

Marami nagsasabi na kapag ikaw daw ay nagiging tanga, martyr, or corny eh baka dahil ikaw ay inlab. Pero kung ito lang talaga ang symptoms ng isang taong inlab, aba eh lahat na lang ng tao pala eh inlab. Bakit? Andaming tanga, martyr, at corny sa mundo eh! Therefore, meron nakaisip gumawa ng listahan para ma-specify kung ano ba talaga ang mga signs ng taong tinamaan na ni kupido. Eto at tingnan nyo na lang kung nabilang kayo sa mga taong ito:
  1. Kapag nakikita mo ang kanyang mukha kahit nasaan ka man... kahit sa banyo!
  2. Binabasa mo ang kanyang text / IM / email ng paulit-ulit-ulit-ulit-ulit...
  3. Kapag nagiging corny at mushy ka, kahit brusko at macho ka.
  4. Kahit na isang text lang, kumpleto na araw mo! Naka-ngiti ka na hanggang tenga.
  5. Binabagalan mo ang iyong lakad kapag kasama mo sya, kahit naiihi o najejebs ka na!
  6. Kahit hate ka na ng buong mundo ayos lang, basta wag lang sya.
  7. Marunong ka nang mahiya, kahit napaka-kapal ng mukha mo.
  8. Nagiging humble ka na, kahit lahat ng yabang sa mundo eh nilamon mo na. Kahit sinasabi mong Godlike ka na sa dota eh nagpapakumbaba ka rin pala.
  9. Kapag ang sinasabi mo sa kanya eh "Byebye na," pero ang gusto mo talaga sabihin eh "dito ka muna sa tabi ko."
  10. Nakaka-high ang amoy nya kapag malapit sya sa yo.
  11. Gusto mong marinig ang boses nya, dahil wala lang.
  12. Sya lang ang nakikita mo kahit marami syang kasama.
  13. Feeling mo kaya mong gawin ang lahat para sa kanya. Feeling mo lang.
  14. Kahit 5 minutes pa lang kayong magkahiwalay, namimiss mo na sya agad.
  15. Nakikinig ka na ngayon sa mga Senti songs kahit puro pang-rakrakan lagi ang sounds mo. (You're becoming EMO, pakshet!)
  16. Gusto mong huminto ang oras kapag kasama mo sya, pero parang bumibilis din ang oras pag kasama mo sya.
  17. Napapa-ngiti ka kapag naiisip mo sya. Hello, kamusta naman parang tanga ka lang?
  18. Kapag cute pa rin sya kahit umutot sya sa harap mo.
  19. Kahit bad breath sya eh gusto mo pa rin syang halikan.
  20. Habang binabasa mo ito, naiisip mo sya. (Yes, kinikilig ka naman! Ang engot mo!)
At higit sa lahat, Kung nag-umpisa ka nang mag-isip ng "TAYO" instead of "AKO," aba eh mukhang malakas nga ang tama mo. In fairness, ang perspective mo ngayon ay hindi lang puro ang sarili mo at ang makasarili mong pagkatao. Nagsisimula ka nang mag-isip para sa isa pang tao. Yan na malamang ang biggest sign na ikaw ay in love.

4 comments:

  1. heloww..i luv ur symptoms..tinamaan aq..haha inluv tlaga..hmmn sna hel luv me bak..jeje..i lyk ur site ^_^

    ReplyDelete
  2. galing ng banat mo! Tamang tama lahat ng symptoms.. heheh...

    ReplyDelete