Friday, December 4, 2009

Dota Player of the Week: Ben

Dahil medyo matagal na rin nung huli tayong nag-feature ng Dota player dito sa blog na ito, meron akong na-interview na player kahapon lang. Dati kasi nung hindi pa uso ang Garena, dumadayo kami sa isang computer shop dun sa may Crossing ng EDSA at Shaw, at ang pangalan ng shop na ito ay Net@Crossing. Doon kami dati nagpapaka-adik, kasi baguhan pa lang kami sa dota non (kasama ko si dota823 lagi, tas minsan andun din ang tropa ni Lestat, at ang tropa ni GiGeorge). Syempre adik-adik at praktis daw kunwari. Dapat nga meron na kami discount nun sa pagiging suki nila eh!

Infairness, lagi akong talunan nun dati, lalo na pag kalaban namin yung mga beteranong players ng shop. Onga pala, nung mga time na yun nakalaro ko rin si Jaccobb, binuhat pa nga nya yung Enchantress ko nun eh wahahaha. Aba eh akalain mo, officemate ko na sya ngayon! Pero talaga, di ko makakalimutan na ginugulpi kami ng mga players sa Net@Crossing, lalo na yung si Diatabs (tama ba?), Kevin at Jay (tama b? dati asar ako sa mga to kasi ang angas talaga!), Aoi, Franz, at andami pa na ngayon eh nakalimutan ko na mga pangalan haha.

Anyways, ang featured player of the week ay galing sa shop na ito. Eto at kilalanin natin sya:
1. Pangalan at Edad?
- Ben Casilan

2. Anong pangalan ginagamit mo pag nalalaro ka (GG ID, etc)? San mo naman napulot to?
- kahit ano basta maisip lang.. pero latest kung gamit na name ├Érif†eR.. galing sa manga comics..

3. Ilang years ka na naglalaro ng dota?
- 3 years ata pero d nman madalas

4. Ano ang first hero na natutunan mo? At bakit?
- rhasta un kasi ginagamit kong hero sa warcraft

5. Ano ang di mo makakalimutang experience sa dota?

- hmm matagal na to at puro noobs pa kami sa laro.. nilabanan namin ung mga maaangas naming customer.. partida tumatayo pa kami.. durog cla.. cmula nun nirerespeto na kami.. hehe

6. Sino nagturo at nag-impluwensya sa yo na maglaro ng dota?
- curious lang bkit maraming naglalaro ng dota

7. Bakit mo nagustuhan ang dota?
- nakakalibang lang

8. Ikaw ba ay taga-utos? O taga-sunod ng utos? At bakit?
- dakilang tga support lang ako.. wla lang mapagbigay lang ako


9. Napahamak ka na ba ng dahil sa dota? Kelan at bakit?
- hindi pa namn.. good boy ako eh.. hehehe

10. Kung yayain ka ng GF/misis mo mamili ng sapatos, at niyaya ka din ng tropa mo magdota, sino susundin mo? At bakit?
- xempre dota... mas mura ang magdota kesa sa bumili ng sapatos.. lolz


11. Ano ang paborito mong linya kapag nangta-trashtalk ka?
- d nman ako trash talk.. natututuwa lang namn ako pagnakakapatay..

12. Sino ang paborito mong i-trashtalk?
- si Dennis.. wahaha

13. Ano sa tingin mo ang kailangan ng isang taong gustong maging ma
galing sa dota?
- practice lang ng practice

14. Ano sa tingin mo ang kailangan mo pang i-improve sa dota skills mo?
- kung pano maglast hit ng hero.. ^.^

15. Sa tingin mo ba eh magaling ka magdota?
- average lang

16. Napagalitan ka ba ng nanay/asawa mo dahil sa dota? hindi
- wla pa namn akong asawa at malayo namn ang bahay ng nanay ko.


17. Nakasira ba ang dota sa trabaho at pag aaral mo?
- hindi namn kontrolado ko namn ang paglalaro ko... para lang kaming cinderella.. may oras lang kami gumagaling... wahehehe

18. Kelan mo balak mag-quit?
- hindi ko alam

19. Sa tingin mo ba eh pogi ka? Please provide evidence.
- hindi ako pogi, cute lang.. panis!

From Author: aba eto tingnan nyo nga!!!

20. Last but not the least, ano ang masasabi mo sa ibang dota players out there?
- laro lang.. wlang trash talk.. kung trash ka cguraduhin mong kaya mong pagtanggol sarili mo.. wahehe
Kung nais nyong ma-feature sa blog na ito, paki-sagot na lang ng mga katanungan at ipadala sa iskwall@yahoo.com kasama ang inyong best fiktyur!

2 comments:

  1. may number ba yan? pwede ko ba i txtmate yan? gusto ko matuto mag trash talk eh este mag dota :)

    ReplyDelete
  2. muka palang pang dota na koya garena tyo

    ReplyDelete