Thursday, December 17, 2009

Dota Player of the Week: Alex

Nakakatuwa naman, this week may nagsend sa akin ng Entry nya para sa Dota Of The Week. So syempre, i-feature natin sya!! Meet Alex, ang lalaking mahilig mag-endorse! Binabayaran ka ba ng Joey Pepperoni at EK at ng pansit? Hehehe joke lang koyah.
1. Pangalan at Edad?
- Alex Lamorena, 21

2. Anong pangalan ginagamit mo pag nalalaro ka (GG ID, etc)? San mo naman napulot to?
- alexml sa GG, smile pag local game.

3. Ilang years ka na naglalaro ng dota?
-5 years

4. Ano ang first hero na natutunan mo? At bakit?
- sniper kasi madali lang. baril lang ng baril, tapos assassinate. KS! Owning!

5. Ano ang di mo makakalimutang experience sa dota?
-noong nakatakas ako kay Magina. nakatakbo ako ng malayo. tapos bigla nag blink. sinabihan ko talaga syang madaya >.<

6. Sino nagturo at nag-impluwensya sa yo na maglaro ng dota?
- 1st year college classmates kasi walang magawa

7. Bakit mo nagustuhan ang dota?
- walang malaro

8. Ikaw ba ay taga-utos? O taga-sunod ng utos? At bakit?
-none of the above. may sariling mundo.

9. Napahamak ka na ba ng dahil sa dota? Kelan at bakit?
-nde pa

10. Kung yayain ka ng GF/misis mo mamili ng sapatos, at niyaya ka din ng tropa mo magdota, sino susundin mo? At bakit?
-sapatos. pwede naman mag dota next time

11. Ano ang paborito mong linya kapag nangta-trashtalk ka?
-HamF! ang sarap sabihin. try mo.

12. Sino ang paborito mong i-trashtalk?
-yung mga trashtalker

13. Ano sa tingin mo ang kailangan ng isang taong gustong maging magaling sa dota?
-matinding pagsasanay

14. Ano sa tingin mo ang kailangan mo pang i-improve sa dota skills mo?
-paggamit sa pana ni Mirana

15. Sa tingin mo ba eh magaling ka magdota?
-ayos lang

16. Napagalitan ka ba ng nanay/asawa mo dahil sa dota?
- hindi.

17. Nakasira ba ang dota sa trabaho at pag aaral mo?
- oo, nde na ko pumapasok sa trabaho para magdota. lagi kasing puyat nde ako nagigising ng maaga

18. Kelan mo balak mag-quit?
-ngayon na <7>

19. Sa tingin mo ba eh pogi ka? Please provide evidence.
-no comment

Author's Note: Eto po sya, kayo na maghusga!!!

20. Last but not the least, ano ang masasabi mo sa ibang dota players out there?
-mabuhay kayo! mAbuhay ang dota!
Kung nais nyong ma-feature sa blog na ito, paki-sagot na lang ng mga katanungan at ipadala sa iskwall@yahoo.com kasama ang inyong best fiktyur!

No comments:

Post a Comment