Tuesday, December 1, 2009

Adik, Pogi, at Emo

Author's Note:
Graaabbbeeee!!!

After 1 long month ng hindi pagpo-post dito, eto na naman ako!! Pasensya na sa aking mga readers, napabayaan ko na itong blog ko. Kasi naman, nung nakaraang buwan eh super duper mega over busy ang lola nyo. Dumating ang ever-watchful eye na si Mamu, tapos nagbakasyon pa ako ng bonggang bongga, at syempre nalulong sa mga bisyo kong Gundam, Dota, Ragnarok Online, at Cafe World. Pero ngayon eto na ulet ako at nagbabalik sa Pakshet Happens! Yehey!
Anyways, dahil kakabalik ko lang, marami na naman akong nahagilap. Una sa lahat, etong napaka-OA sa kaadikan ng mga tao sa computer games. Sa sobrang adik sa Dota at Cabal ng mga ito, kahit binabagyo at binabaha eh sige, game pa rin!!

Buti na lang hindi pa nasisira yang mga desktop nila sa baha. At buti na lang walang lumalangoy sa loob ng shorts nilang babad na sa baha. Ang buhay adik nga naman!

At eto pa isa. Para sa mga kaibigan kong gwapo, mag-ingat ingat na lang kayo. Kung meron namamatay dahil hindi nila alam ang kantang Nobody, meron namang namamatay dahil sa looks. Bawas-bawasan na kasi ang pagpapaputi (wag magpa-sobra sa Glutamax), at wag na masyado mag-gel at jumaporms ng uber kasi delikado ka rin!

Payo ko sa aking mga friendships: kapag may naririnig na kayong "Kailangan bawasan ang pogi sa Pilipinas," aba eh takbo na agad!

At kung may mga namamatay dahil sa pagiging pogi, sino pa ba ang pwedeng dumamay sa yo kundi ang iyong tropa. Ang problema lang, baka sa sobrang lungkot ng tropa mo eh baka magpaka-EMO silang lahat, at isa-isa na silang maglalaslas at magpapakamatay kasi bakit sila hindi pinatay... Ibig sabihin hindi sila pogi. Tsk tsk. Ang tanong, ganito ba ang tropa mo?

Paki-click na lang para lakihan ang piktyur. T*ng In*ng tropa yan!

No comments:

Post a Comment