Wednesday, October 7, 2009

Kotse = Pogi Points

Para sa akin, ang isang lalaking nagmamaneho ng sobrang gandang kotse eh nagiging pogi dahil sa kotse nya. In other words, nakakadagdag ng pogi points ang kotse. Kunwari lang kagabi, may nakita akong nagda-drive ng BMW na 2-door sa may EDSA Shangri-La. Ang unang pumasok sa isip ko agad eh "Ang pogi naman ng kotse nya!" Tapos paglabas ng kotse eh kalbong pandak at maitim na andaming blings pala ang nagmamaneho nito. Pero kahit ganun, hindi ko masyado pinansin ang driver ng kotse, kasi nakatatak pa rin sa isip ko na pogi ang minamaneho nyang kotse. Kumbaga nakikisawsaw na lang sya sa pagka-pogi ng kotse nya. Kahit nga siguro driver lang yan eh, parang anlakas pa din ng dating kasi nga napaka-pogi ng kotse nya.

Therefore, the moral of the story is: Kung pangit ka, sikapin mong magka-kotse ng uber ganda para ikaw ay maging mabenta sa mga chix. Gaya nga sa nakalagay sa Tshirt na ito:Para naman sa mga may kotse... Pag sinabihan kayo na "Ang pogi mo!" aba eh mag-isip isip ka na. Sigurado ka bang ikaw yung pogi or baka yang kotse mo lang? Baka ang akala mo eh pogi ka, pero sa totoo lang kotse mo lang talaga yung nagpapa-pogi sa yo!

P.S. Salamat kay Puyo sa pagpapakita ng image na ito!

2 comments:

  1. buti na lang pangit kotse ko... nakikisakay na lang sa kagwapuhan ko hahahah

    ReplyDelete
  2. gusto ko yung tshirt san yan nakita??? bibili ako hehe

    ReplyDelete