Wednesday, September 23, 2009

Tag Dito, Tag Doon!

Dati, natutuwa pa ako sa TAG feature ng Facebook (kung hindi mo pa alam kung ano ang Facebook, aba eh hindi ka na IN. Facebook is the new Friendster! Para sa mga may social network sa world wide web ito). Kasi nakakatuwa pag may mga picture ka na iu-upload, tapos i-tag mo yung friends mo at nano-notify din sila na ready for viewing na ang mga pictures nila. Lalo ako natutuwa sa Tag feature kasi kapag may gusto kang i-stalk, makikita mo sa mga pictures kung sino ang mga kasama, ang status, ang latest chika, or kung anu-ano pa ng taong sino-stalk mo.

Tapos, nagsimula na yung mga "Tag Your Friends" na pa-usa. Sa umpisa, simple pa lang eh. Meron ka picture na may iba't ibang characters (minsan Onion characters, anime characters, Southpark characters, etc.), pagkatapos ay sa bawat character na yon, ita-tag mo kung sino ang sino. Kunwari, sa picture na ito:
Dyan sa pic na yan, ita-tag mo kung sino yung the nap lover, the singer, the creative one, the dramatic one, the intense one, and so on. Tapos yung mga feel na feel, nagpapa-tenkyu. Yung mga may objections, nagre-react. In other words, andami nagre-react, period. Dati nakakatuwa yung mga ganito eh. You discover something about yourself, as well as your friends. Shet nosebleed.

Pero nung na-uso na yung ganyan, lahat na ng tao gumanyan. Hanggang sa pag tiningnan mo yung "Photos of You" sa Facebook eh puro na lang ganyan. Ano ver?! Hindi na nakakatuwa yung ganun. Lalo na pag may gusto ka i-stalk, imbes na makita mo yung itsura ng tao, puro drawing lang nakikita mo. Dyahe, d ba?

At ngayon, may bago na namang pa-uso sa Facebook na nakakaka-inis! Yung mga napakawalang kwentang applications na automatic kang tina-tag kahit dun sa mga di mo gaano ka-close. More specifically, yung mga ALL MY FRIENDS, MY ZODIAC PHOTO ALBUM, MY TOP FOLLOWERS, MY FANLIST, MY FRIENDS CHARACTERS, MY FRIENDS POSTCARD, HOTTIES FOR SALE at lahat ng apps na ginagawan ka ng thumbnail at tina-tag ka ng labag sa loob mo. Nakakainis eh!!! Eto tingnan nyo na lang yung photos page ng isa kong friend:

Grabe puro na lang Tag!!! Hindi pa kayo napapangitan sa ganyang Photos page!?! Haynako, request ko lang sa mga friends ko sa Facebook, please tama na sa pag-gamit ng mga ganyang applications, kasi in the first place wala naman kayo napapala dyan eh. Eh ano ngayon kung marami kang followers? Eh ano ngayon kung nagbebenta ka ng Hottie friends mo? Napupuno ang Notifications ko sa mga walang kwentang bagay eh. Please lang, tama na yan kasi di na nakakatuwa!

No comments:

Post a Comment