Thursday, September 24, 2009

Ojo Kaluguran Da Ka

Sumikat na tong kantang to dati pa, na sa tingin ko ay dahil sa mga ito:
  • Ang tono ng kanta ay Sometimes When We Touch -- A very familiar song.
  • Ang kantang ito ay Tagalog. At alam mo namang tayong mga Pinoy ay tuwang-tuwa pag may English na kanta tas tinatagalog. Pero akala mo lang talaga na Tagalog yun...
  • ... kasi ang totoo eh Kapampangan pala talaga ang kantang ito. Lalo na pagdating ng Korus.
  • Ang kumanta nito ay si Ara Muna. Wala lang, medyo hindi sya katunog sa pangalan ng sikat na artista na kapatid ni Christine Reyes.
  • Nakaka-LSS sya. As in.
Ayun, wala na ako maisip na iba pang dahilan. Dati-rati, pag nagbi-bidyoke kami kinakanta ko ito. Kasi sa sobrang LSS ko sa kanya, na-memorize ko na yung Korus (Korus lang talaga). Hindi ko nga maintindihan ano ibig sabihin ng kinakanta ko, pero ok lang kasi nakakatuwa pakinggan eh.

Tapos ngayon dahil sa kaibigan kong Kapampangan (Salamat Mitzie!!), nahanap ko ang pinaka-astig na music video ng kantang ito! Grabe, as in astig talaga. Ang fu-fugi at gaganda ng mga nasa video eh! Sa sobrang ganda ng video parang gusto kong sampalin yung kupal na gwardya sa labas. Anyways, eto na yung video! Feel free to sing along kasi may lyrics din dito!


Eto isa pang pampa-saya naman galing kay pareng Rommel! Aling Dionisia, you are my idol! Aylhavett!!

1 comment: