Saturday, September 12, 2009

Mga Ayaw ko sa Sinehan

Kapag nanonood kayo ng sine sa mga sinehan, hindi ba kayo naiinis sa mga nakakasabay nyong makukulit? Ako kasi oo. Hindi ko masyado na-eenjoy yung movie kapag meron akong neighbor na maingay, magulo, at kung anu-ano pa. Kaya eto ngayon, iisa-isahin ko ang mga kinakainisan ko sa loob ng sinehan. At bibigyan ko rin kayo ng mga tips para maiwasan ang mga ito.

1. Yung mga OA sa PDA. Kala mo nasa kwarto lang sila kung magyakapan. Kulang na lang e mag-himasan sila at maghubaran sa kaka-display ng kanilang pagmamahal sa isa't isa. Para sa mga PDA, una sa lahat, hindi po ito motel. Pangalawa sa lahat, maraming tao sa paligid at nakaka-distract ang ginagawa ninyo. Pangatlo sa lahat, hindi nyo ba ma-control yang pagka-L nyo!?
Tips: Kapag may katabi kayong ganito, dalawang bagay ang pwede nyong gawin para tumigil sila. Una, tingnan nyo sila. As in, stare at them. Siguro naman mahihiya na sila di ba? Kapag hindi gumana ang The Eye Effect, gamitin nyo ang pangalawang paraan: talbugan nyo ang pagka-PDA nila. Kung PDA sila, kunwari mas PDA kayo, at purposely eh sikuhin/tadyakan nyo sila. Pero kunwari part yun ng pagp-PDA nila. Kapag di pa rin tumalab, lumipat na ng pwesto.
2. Yung mga storytellers. Sila yung mga taong habang nanonood eh nagna-narrate ng pinapanood nila sa katabi nila (minsan kahit sa sarili nila eh!). Ano ba, alam din namin ang mga nangyayari kasi nga nanonood din kami. Bat pa nagke-kwento!? At minsan lalong nakaka-irita pag yung nagku-kwento tapos hindi naman pala na-gets yung nangyari bwahaha. Tulad nung sa Harry Potter, sinabi na nga ni Snape na sya yung Half Blood Prince. Yung katabi namin eh bumanat pa ng "Hindi sya half blood prince! Si Harry yun!!!" Jusko!!!
Tips: Kapag may ganitong maingay, wala ang magagawa mo lang eh sabihan sila na maingay sila or isang simpleng "SSSHHH." Pero ang ginagawa ni Marc pag may ganitong kasabay sa sinehan, umuubo ng "Ubo-ang-ingay-nyo-ubo" o kaya sumisigaw talaga ng "HUUUY!" In fairness, effective lalo na yung "HUY."
3. Yung mga reklamador. Lalo na kapag yung pelikula ay galing sa libro or sa komiks. Minu-minuto, maririnig mo sila ng "Pucha hindi ganyan sa libro!! Buhay pa rin si Cyclops, nagka-anak nga sila ni Jean Grey!!!" Minsan naman, meron mga banat na "Sheeet ang gwapo ni Edward Cullen pero mas gwapo yung na-imagine ko sa libro!!" Ano vaah? Eh di wag na lang kayo manood kung puro kayo reklamo! Or gumawa na lang kayo ng analysis AFTER nyo panoorin yung pelikula para hindi maingay sa sinehan.
Tips: Para sa mga reklamador, wala ka rin magagawa eh. "SSHHH" lang talaga ang pwede mong sabihin. O kaya gawin mo yung tulad nung Tips sa #2.
4. Yung mga mahihilig tumayo, lalo na kapag ka-row mo sila. Nakaka-inis to eh, nasisira ang seating position mo, at yung concentration mo sa panonood ng sine. Bigla kasi may mang-iistorbo sa yo at dadaan. Nakakahiya naman kapag di mo padaanin di ba? Pero wala, may mga ganun talaga.
Tips: Para sa mga ganito, pwede kayo maging mabait at padaanin sila. Pero pwede rin kayo maging kupal at hindi sila pansinin. Pwede pa din naman sila lumabas sa kabilang dulo eh.
5. Yung mga mahilig manggulo sa likod mo. Sila yung hampas ng hampas ng sapatos nila sa likod ng upuan mo. Akala siguro nila hindi ito nararamdaman ng naka-upo, pero sus, ramdam na ramdam po ito. Ito talaga ang pinaka-nakakainisan ko at pinaka-madalas na nangyayari sa akin pag nanonood ng sine. Nakaka-distract kapag tumatama yung sapatos sa upuan eh, umaalog ang silya!
Tips: Dati, ang lagi kong ginagawa kapag may ganito eh lumilipat ng silya, lalo na kung maluwag naman ang sinehan. Pero kung maraming tao, pinapakiusapan ko na lang na tumigil na sa kalokohan nya. Pero! Lately mas feel ko maging kupal. Kapag merong humahampas hampas sa silya ko, aba eh hindi na ako sumasandal sa upuan. Instead, uupo ako ng pinakamataas kong upo para matabunan yung screen nung nasa likod ko bwahahaha. Yun nga lang, hindi ako relaxed. Pero kupal ako at gusto ko makaganti dun sa bwiset sa likod ko, kaya titiisin ko ang pag-upo ng nakataas ang paa at super straight back para maharangan yung view nung likod.
Paalala lang, wag niyo masyado gayahin ang Kupal moves ko sa sinehan. Baka makahanap kayo ng kaaway. =)

No comments:

Post a Comment