Tuesday, September 29, 2009

Gusto mo ba maging Instant Celebrity?

Simple lang naman eh. Ngayong kakatapos lang ng pananalasa ng bagyong Ondoy dito sa Metro Manila, andaming nagsusulputan na instant celebrities. Bakit? Syempre dahil sa Facebook.

Dahil sa sobrang bilis ng pagkalat ng tsismis at bali-balita sa sikat na social networking site na ito, sing-bilis din kumalat ang reputasyon ng isang tao lalo na kung sya ay may ginawang kakupalan na bagay. Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi ang ngayo'y sikat na sikat na si Jacque Bermejo. Dahil lamang sa isang Status Message nya sa Facebook, buong bansa ang nagbatikos sa kanya. Sandamakmak na mura ang natanggap nya, ang iba nga eh sinusumpa pa sya sa impyerno. Bakit nga ba umabot sa ganito?

Ang status message nya kasi ay: buti na lang am hir in dubai!maybe so many sinners bak der!so yeah deserving wat happend!
Paki-click para sa buong larawan

Ayun, libo-libong Pilipino ang todo nag-react sa statement na ito. Facebook account nya, Blogsite nya, pati na ang Multiply account nya hindi na pinatawad. At sobrang daming naglabasan na pictures nya na ni-edit at nilapastangan. Eto ang ilan sa mga lumabas na mga pictures:
Hosted by imgur.com Hosted by imgur.com
Hosted by imgur.com Hosted by imgur.com
Ang claim ngayon ng lola mo eh na-hack ang kanyang Facebook account last year, at hindi na sya ang nagsulat at nagpost ng status message na yan. Sabi yan ng brother nya, at pinangatwiran din yan ng kanyang mga friendships. Pero Sisterette, medyo mahirap na ata bawiin ang damage na nagawa mo. Lahat ng tao eh sumiklab na ang damdamin sa sinabi mo (or sa di mo sinabi) eh. Kapalan mo na lang ang iyong face pag-tuntong mo sa Immigration ng Pilipinas at baka ma-recognize ka ng mga officers doon at pag-usapan. Malay mo, may Facebook din pala sila.

At ngayon!! May bago na namang celebrity-wannabe na gustong maki-sali sa eksena!!! Eto na lang tingnan nyo sya!

Hosted by imgur.com
Ano say nyo? Magiging kasing sikat ba ni Jacque Bermejo itong starlet na ito? The moral of the story is: kung gusto mo sumikat agad at maging instant celebrity, maging kupal ka.

No comments:

Post a Comment