Monday, August 24, 2009

Paalam, Daddy Pao


Daddy. Isang himala ang pangyayari sa buhay ni daddy Pao sapagkat ilang tonelada ng taba ang nawala sa kanya. Ngayon mahilig na sya sa ma-pormang pananamit dahil pumayat na sya ng tuluyan. Mahilig rin pala si Daddy sa makabagong musika.


- Pats, March 2007


Maiksing panahon lamang ang pagkakakilala ko sa taong ito, pero sa konting oras na nakasama at nakilala ko sya, buong buhay na naka-tatak ang alaala nya sa aking puso't isipan.
- Sya lang ang tumatawag sa akin ng "Son." Kaya Daddy ang tawag ko sa kanya.
- Headbangers lalo na kapag nagpapatugtog ng mp3's na sa umaga.
- Kung hindi sya siguro naging BSA, eh may karir sya bilang Bidyoke King (aba'y Feel na Feel kasi ang pagkanta!)
- Bagets rin tong si Daddy, nakikisabay sa kainan at inuman!
- Masayahing tao si Daddy, at pag may tambayan at kwentuhan session eh nakaka-hawa pa naman yung tawa nya!
- At higit sa lahat, love na love nya ang kanyang family lalo na ang kanyang totoong son na ubod ng kyut!!
Hay ang regret ko lang talaga eh hindi ko na sya nakausap at nakasama bago man lang sya nagpaalam. Nakaka-miss rin kasi to eh, lalo na pag umaga na ang bati nya eh "good morning, son." Pero nagpapasalamat pa din ako, kasi kahit sa pagpanaw nya ay nai-reunite nya ang MD/KFC crew. Nagkita-kita kami at nagbalik tanaw sa mga masasayang nangyari sa amin noon. Salamat, Daddy Pao! Alam kong mapayapa ka nang nagpapahinga ngayon. :)

No comments:

Post a Comment