Friday, August 28, 2009

Bakit Inlab ang mga Babae sa Playboy

Ang mga babae hindi yan bulag, lalong hindi manhid o tanga. Malakas ang pakiramdam ng mga babae at daig pa nila ang pinakamagaling na manghuhula kung hulaan rin lang kung sino ba talaga ang PLAYBOY sa mga lalake na ito. Ang mga playboy natural napakadaming GIRLS sa buhay nila. Kung ilan kayo o pang ilan kayo sa buhay nila eh hindi na mahalaga. Eh bakit nga ba nagkakagusto ang mga babae sa playboy? Madami akong barkada na ganyan pero hindi ko na lang sila papangalanan dahil ayaw ko namang makialam sa mga DISKARTE nila, PERO ALAM NYO NA KUNG SINO KAYO HAHAHA!!! Gusto ko lang ito i-share sa iba para naman may idea sila, wala namang masama eh, kahit kanino pwedeng mangyari ito kahit ALAM man nila o HINDI nila alam kung bakit, wellz, kayo na lang ang MAKIRAMDAM, ENIWEIZ. . .

Ito ang mga reasons…

1. masarap magmahal ang playboy

-Bukod sa mabulaklak ang dila ng mga playboy, todo din ang effort nyan para lang mapasagot ka. Kung may Visa papunta sa buwan sigurado dadalhin ka nya doon. At kung kayang bilhin ang mga bituin, malamang naubos na ang mga tala sa kalangitan dahil lahat yan ay ibibigay nila sau, hahahahaha!! SAPUL KA BA???

2. iba ang yabang factor ng mga playboy

-Likas na siguro sa playboy ang ma-angas. Sabi ng ilang mga babae na kaibigan ko iba ang dating ng mga guys na maangas. . Parang may kakaiba sa kanila, parang sobrang challenging ang personality. Just imagine ang pinakamaangas sa campus sinusuyo ka, iba ang dating! Kaya kung ma-angas ang look mo boy pero gagawin mo lahat para mapasagot ang isang girl, YOU’RE THE MAN! MAY WEAKNESS KA DIN PALA BWAHAHAHA!

3. Masarap makitang magbago ang playboy para sa’yo.

- Yung tipong sasabihin nya sa’yo na "alam mo dati gago ako pero nung nakilala kita nakita ko na ang dahilan para magbago", o kaya naman "alam mo ikaw lang ang nakapagpatino sa’kin ng ganito". NAKS! BEST ACTOR!! =)

hahahaha!! PERO TANDAAN NYO DIN NA MAS MADAMING GIRLS ANG NATUTURN-OFF SA MGA PLAYBOY… kaya ang maipapayo ko lang mga tol eh makuntento na lang kayo sa isa, wag na papalit-palit, kasi HINDI NAMAN PLAYGROUND ANG MGA DAMDAMIN NATIN EH, kayo kaya makakilala ng PLAYGIRL?? SAKIT SA ULO DI’BA?!?

Source: http://apokalipsis.blog.friendster.com/2008/06/bakit-na-iinlove-ang-mga-babae-sa-mga-playboy/

1 comment: