Thursday, July 16, 2009

Only in Pinas: The Store Collection

Haynako, sa sobrang kaadikan ko lately sa dota, na-miss ko ang mga Only In Pinas series ko! Kaya eto, magbibigay na naman ako ng mga panibagong pandagdag sa koleksyon natin ng mga nakakatawang signboards at kung anu-ano pa. Sa edisyong ito, ife-feature natin ang mga kakaibang pangalan ng mga tindahan na makikita natin kung saan-saan. Enjoy!!!

Photobucket Photobucket
Store 1: ERIC L. CAPATI (Farlor Salon)
Need mo ba ng haircut? Manicure o Fedicure? Wag ka na mag-dalawang isip pa. Dito ka na kay Eric L. Capati magpagupit at siguradong Far na Far ang mararating mo!

Store 2: PUSSIES & BITCHES (Petshop & Grooming Salon)
Kapag naisipan mong magpunta sa MetroWalk, dumaan ka sa likod. Dahil doon, nakatago ang store kung saan matutuwa mga alaga nyo. Dahil doon meron Pussies and Bitches. (Kaya siguro lagi nag-aaya si jasonsantos0318 mag-Metrowalk lagi...)
Photobucket Photobucket
Store 3: Jack n Cole
Hindi ko kilala si Jack. Hindi ko rin kilala si Cole. Pero kapag si Jack n Cole pinag-uusapan, isa lang ang maaari nyong puntahan.

Store 4: McDollibee
Hindi ito McDonald's. Hindi rin ito Jollibee. Mas matindi pa ito dahil pinagsama ang dalawang pinakamalaking fast food chain sa Pilipinas. Ito ang McDollibee.
Photobucket
Store 5: No Problem Store
Ikaw ba ay may malaking utang na hindi mo kayang bayaran? O kaya may karamdaman sa puso na tila nababagabag ang iyong isipan? Wag ka mag-aalala. For all your needs, there's No Problem store. Dahil no problem ang mga bumibili dito!
Photobucket Photobucket
Stores 6 & 7: Cooking ng Ina Mo, at Cooking ng Ina Mo rin
Sino pa ba ang hindi nakaka-alam nito? Kukutusan ko na.

No comments:

Post a Comment