Monday, July 27, 2009

Only in Pinas - Part V

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa uber daming nagpadala sa akin ng mga kakatawang mga Only In Pinas na signboards at store names at kung anu-ano pa! Mabuhay kayo! At gusto ko rin i-credit ang Filipino user sa Facebook kasi parang sa kanya din ata nanggaling ang karamihan sa mga ito hehehe.

Mukhang hindi ata tayo mauubusan ng mga ganitong klaseng kakatawanan dito sa Pilipinas eh no? Isipin mo, kahapon lang may nakita kami sa Binondo, sa menu nila nagse-serve sila ng MANGO JIUCE! O dah vah, di ko alam kung type ba yun o ganun na ang maka-bagong spelling. Anyways, eto na ang Part V ng ating series! I'm sure meron pa itong Part VI! Enjoy! :)

Photobucket
Ay, baket may sakit na ba ngayon ang FEU at kailangan syang gamutin?

Photobucket
Exclusive for boys lang ba ang paaralang ito?
Pero isa talaga sa mga tanong ko eh, hindi ba pinag-iisipan ng mga tao ang ipinapangalan sa mga eskwelahan o lugar nila!?

Photobucket
Ano daw? Bawal U-Turn o Bawal pumasok? Siguro bawal nga talaga pumasok, kasi U = ikaw. No You Entry. Ganun ba!?

Photobucket
Taena magpapa-henna ka na nga lang mumurahin ka pa!

Ay sori, mali. Pangalan pala yan ng store...


Photobucket
Eto pang isang paaralang pang elementarya. Exclusive for boys rin ba ito?

Photobucket
Nasunog na ang kaluluwa nya bago pa sya mabuhay at mamatay...
May you rest in Peace.

Photobucket
Ito ang barber shop ng Pangulo.

Photobucket
Hindi ba medyo redundant na po iyan???

Photobucket
Entrance Only na nga kaya wag ka na pumasok!!

Ang masasabi ko lang, bakit ganun ang mga pangalan ng elementary schools??? Meron Tinitian, meron Cabading, tapos kung maaalala nyo meron din Inuman. Pinag-iisipan ba nila yang mga pangalang yan!? Onga pala yung Cabading at Inuman sa Antipolo pareho yun. Bat ganun sa Antipolo???

No comments:

Post a Comment