Thursday, July 23, 2009

Nakakatawa ang Pag-Ibig

Kadalasan napakaraming contradictory statements sa pag-ibig, lalo na sa isang taong umiibig. Minsan hindi mo na tuloy alam. Isa lang ba ito sa mga oxymoron ng pag-ibig? O baka moron ka lang talaga...
Nakakatawa ang pag-ibig.
Lahat ng gusto mong sabihin, hindi mo masabi ng tama.
Pero kahit bali-baliktarin mo yang sinasabi mo, totoo pa rin ito.
Ang labo di ba? Pero malinaw sya.

Nakakatawa ang pag-ibig.
Kapag nagmamahal ka, masaya at malungkot.
Bakit ka nagmamahal?
Wala kang mahanap na rason.
Pero lahat ng rason alam mo.
Masakit magmahal.
Pero okay lang.

Nakakatawa ang pag-ibig.
Sabi nila ang pag-ibig ay para lang sa mga tanga.
Kala mo sila'y may pusong bato at napakamanhid.
Pero dumating ang panahon at tinamaan sila ni kupido.
Ayun, tanga na rin sila ngayon.

Nakakatawa ang pag-ibig.
Bali-baliktarin mo man ito, ikaw at ikaw pa rin ang nababaliktad.
Ang pusong bato, napapalambot.
Ang mayabang, nagpapakumbaba.
Ang malakas, humihina.
Ang mga malulungkot, napapasaya.
Ang mga manhid, nagiging martyr.

Nakakatawa ang pag-ibig.
Kung kelan hindi mo ito hinahanap, saka darating.
Isang araw lang, sinasabi mo "Sawa na ko sa pag-ibig!"
Pero biglang umaligid na naman si kupido.
At wala ka na magawa kundi ang sumunod dito.

Nakakatawa ang pag-ibig.
Ang galing galing mo magbigay ng payo sa mga may problema.
Akala mo lahat ng exprience sa buong mundo nahigop mo na.
Pero kapag ikaw na ang nasa spotlight, ano ka ngayon?
Kamote ka rin.

Nakakatawa ang pag-ibig.
Pigang-piga na ang utak mo kakaisip ng solusyon sa problema.
Bakit ganun, wala naman mali. Pero bakit parang wala ring tama?
Akala mo expert ka na, pero wala ka ring alam.

Nakakatawa ang pag-ibig.
Kahit anong sakit at hapding nararamdaman,
Okay lang.
Dahil masarap ang umibig. Masarap mabuhay.
Sa sobrang sarap mabuhay, pwede nang mamatay.

Nakakatawa talaga ang pag-ibig. Pero bakit ako umiiyak?

2 comments:

  1. `from wer did u get dis one????

    ReplyDelete
  2. haiiiiiiiiiiiiisss... uu nga naman!!!!!!!!!!!!!




    ouch aman..hehe!!!!!!!!!!!!!


    ganda ahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete