Monday, July 13, 2009

Na-Google mo na ba sarili mo?

Na-try mo na bang i-Google ang sarili mo? Oo, yung pupunta ka sa www.google.com tapos ilagay mo sa textbox yung pangalan mo. Bakit? Wala lang. Tingnan mo lang kung sikat ka, o kaya marami kang kapangalan, o kaya non-existent ka sa online world.

Kanina kasi na-try ko lang kasi gusto ko tingnan kung ano mga website na nakalagay ako. At natawa ako sa isang search result. Nakita ko ang pangalan ko at may sumunod na nakasulat na "Labandera ng ORACLES." Juskoo! Pano na lang kung nahanap ito ng mga potential employers??? Grabe sa kahihiyan ko ito! Hahaha.

Photobucket

Ginamit ko sa pag-search ang kumpleto kong pangalan (Oo, mahaba pangalan ko kaya ganyan!). Tas yang result na yan, sa pagkaka-alala ko, nasa forum yan ng guild ko dati sa pRO - Loki. At sa pagkakaalala ko rin, ang anak kong si Ralph ang nagsulat nyan! At hanggang ngayon nago-google pa rin! Pakshet! Hahaha. Oh well, correction lang. Chikadora ako, hindi ako labandera!

Kayo, na-try nyo na rin ba i-google ang sarili nyo? At ano ang results?

PS: 2 more days left to vote kung pogi ba si Norms o hindi!!! Syet, wala pang sumasagot ng "NO"!!!

1 comment:

  1. kilala ko na po yung real name mo...tinype ko lang yung word na "ang labandera ng ORACLES" hehehe!

    katabi nun yung real name nyo :P

    ReplyDelete