Tuesday, July 14, 2009

Dota'er of the Week: jasonsantos0318

Last week nagsulat ako ng isang feature sa isang kakilala kong dota player. At napatunayan natin na Pogi nga sya, dahil marami ang sumagot na YES dun sa poll question na kung pogi ba talaga sya o hindi. Ngayong week, meron na naman tayong bagong dota player na ifi-feature. Mag-enjoy kayo sa featured player ngayong linggo.

1. Pangalan at Edad?

Jason Quino Santos

2. Anong pangalan ginagamit mo pag nalalaro ka (GG ID, etc)? San mo naman napulot to?

jasonsantos0318 yung first account ko sa GG, I have created gambit0318 para may pang pa level up lang nang XP kase 2 pc ko sa bahay minsan pinaglalaban ko yung 2 hehehe. Kaya from dating level 1 eh ito nakakapasok na ako sa High Level Room. Kaya nman may 0318 lagi kase ito yung mansari namin ni misis FYI sa iba. Di ko po iyon Birthday.

3. Ilang years ka na naglalaro ng dota?

Wala pang years actually, I started nung mga october 2008 ata so mga 10 months pa lang. Di nga sadya yun eh naisipan lang nung ka opismeyt ko na mag Starcraft kami and nag net cafe kami kaso wala pala nakainstall na game nang starcraft kaya pinagtiyagaan namin yung DOTA daw. Sa umpisa as in ang hirap maintindihan nung laro kase nasanay ako sa mga no brainer na mga wala bang isip isip na laro.

4. Ano ang first hero na natutunan mo? At bakit?

Ah first hero, hmmmm una ko nagamit ay si Venomancer sabi ni mk73mhz or mike na syang tutor ko at teacher ko sa dota eh magaling at malakas daw yun basta click ko lang daw lagi yung E. natawa pa nga ako nung first time kase nag LAN kami sa isang net cafe kasama mga ka opismeyt ko at ikaw ksama din dun and napansin ko bakit lahat nang pinili na hero mukhang tao sa akin amputsa Venomancer ALIEN ampota. Natatandaan ko nun sabi ni mike basta buy ka lang nung mask at yung kamay. Now na alam ko na na gauntlet of strength yun at sobi mask eh naisip ko na napakadali lang pala. Pero kung sa hero na like or una ko natutunan talaga yun ay si yurnero or juggernaut. favorite as in and yun ang nagamay ko gamitin. inabot nang mga 3 months eh pro na ako sa kaniya at madalas ako nakaka mega kill pag ito gamit ko. Sa ngayon almost 6 na ang hero na kampante ako gamitin and looking forward sa future heheheh! pwera kay LION na 0/21/0 ang stat ko sa game ko na una ko ito ginamit.

5. Ano ang di mo makakalimutang experience sa dota?

ako edi syempre yung una ko ginamit si SK at Luna. Ako kasi yung SK na burrowstrike and Sandstorm as in TOTAL NOOBS ika mo nga. Kay luna nman eclipse sa creeps hehehe.

6. Sino nagturo at nag-impluwensya sa yo na maglaro ng dota?

Si mk73mhz ang guru ko, pasimple kami nag one one one nyan sa opisina at madalas eh half day namin eh nauubos sa DOTA AI sa opisina. Sya nagturo sa akin almost all hero na alam ko. di ko lang siguro na adopt sa kanya eh yung ka-agrehan nya sa laro. Ako kase super duwagness kung baga ako yung gitna lagi sa clash minsan laging wala sa clash.... hehehe sorry sa mga kakampi ko ha!

7. Bakit mo nagustuhan ang dota?

Siguro sure trip lang talaga and gamer din kase ako kaso sa lahat nang games ito yung nagustuhan ko kase mga kaibigan ko at kaopisina ko kalaro ko.

8. Ikaw ba ay taga-utos? O taga-sunod ng utos? At bakit?

Ako siguro magiging taga utos lang ako kung sa PUB kase dun nakaka wicked sick ako parang ako yung pinakamagaling. Pag sa mga dota buddies ako ata ang isa sa pinaka noobs at aminado ako dyan. Marahil nababagay ako sa tagasunod lalo na kung gaya ni eyeball123 at Lestat.DG ang makakalaro mo eh tiyak susunod ka na lng.

9. Napahamak ka na ba ng dahil sa dota? Kelan at bakit?

Madalas, nabato na nga ako nang laruan na Furion ko ni misis dahil dito kase ayaw ko pa daw matulog kaya ayun kay bago bago nung laruan na Furion ko putol na ulo sakit nga eh tinamaan ako sa batok. kaya medyo ingat ingat ako pag naglalaro kase bka nasa kusina si misis eh baka yung matutulis at matatalas ang maibato.

10. Kung yayain ka ng GF/misis mo mamili ng sapatos, at niyaya ka din ng tropa mo magdota, sino susundin mo? At bakit?

syempre magdota, sunod ako sa tropa. Kase never pa ako ililibre ni misis nang sapatos noh kada bili nun ako or sa akin naka charge. Unless siguro na maghimala ang langit at ako ang ilibre nya. Kaso bka mauna pa magunaw ang mundo kung mangayayari man yun! hahaha!

11. Ano ang paborito mong linya kapag nangta-trashtalk ka?

Ay sa tanung na ito no comment kase madami kase pikon sa dota eh. Minsan kahit noobs ness ako eh meron mga PRO na naiintimidate ko at lagi tuloy ako gusto i-kill. sabi nman nung iba wala daw ako puso at nakakasakit sa dota. Kay eto mas gustohin ko na lang manahimik. Pwera na lang cguro kay eyeball123 ill find him and take my revenge hahahaha! peace joke lang jeff ha!

12. Sino ang paborito mong i-trashtalk?

yungmga players na tahimik at sa huli pag nanalo na nag iingay na na magaling sila. Kase mayayabang ang mga ganitong klaseng players. I make this as a challenge kaya pag nakita ko na magisa sila sa lane try ko ito agad i-kill kung kaya ko. Sa dota buddies 2 pa lang nman ang nakainisan ko kase lagi ako nasisisi. Number one on the list si Muro Ami and Si Mr Panga. Pero i understand them kase minsan i show to them my Total noobsness sa laro. Goal ko lang sa dota games ko now is to improve para di na masisi. Ay teka... meron pa pala minsan pag game i always look forward to First Blood this GG buddies kase for me it a great honor na ma first blood mo sila. 1. Destiny 2.eyeball123 3. Lestat.DG - sa huling tala ko sa utak ko lahat ito na first blood ko na si impulze na lang di pa ata so it means si impulze ang pinakamagaling sa DOTA for me in my opinion.

13. Ano sa tingin mo ang kailangan ng isang taong gustong maging magaling sa dota?

siguro magpaturo sa mga pro na buddies. Thanks so much kay mk73mhz at Jaccobb at impulze kase sila mga nagtuturo sa akin.

14. Ano sa tingin mo ang kailangan mo pang i-improve sa dota skills mo?

hehehe walang iba kundi yung basahin ko yung description nang skills. Di ko kase pa ginagawa yun. Pindot ko lang kase yung shortcut keys and then tignan ko ano yung effect.... WTF totoo ito ganun ako magdota noobness sobra.

15. Sa tingin mo ba eh magaling ka magdota?

Siguro nag improve lang pero kung magaling siguro maniniwala ako kung si destiny at impulze ang magsasabi kaso malamang di yun aagree na magaling na ako gaya nila.

16. Napagalitan ka ba ng nanay/asawa mo dahil sa dota?

many times sobra pa sa 20 times, Sabi nga nang misis ko kahit maghubad sya sa harapn ko eh dota pa rin ang titigan ko.... bwahahahaha!

17. Nakasira ba ang dota sa trabaho at pag aaral mo?

di nman konti lang, ang nadulot lang nman nang dota sa trabaho ko is bumaba yung increase ko dahil na chu chu ako sa opisina nang isang GOLUM na bading.

18. Kelan mo balak mag-quit?

pag nalagpasan ko na si impulze sa DOTA kaso sabi nya sa akin eh kung buhay pa daw ako ba nun. ANG YABANG MO TALAGA DD!!!!!

19. Sa tingin mo ba eh pogi ka? Please provide evidence.

ISANG MALAKING HINDEEEEEEEEEE..........

20. Last but not the least, ano ang masasabi mo sa ibang dota players out there?

Masasabi ko lang is "PLAY DOTA, there is more to it than meets the eye" ampepe!!!!

Like to add sa mga favorite ko na nakakalaro gabi gabi.

Special mention ko si BAMBI... super sarap makalaro kahit talo kami palage happy pa rin.

Second ko si mk73mhz ......... Mr agre and nakakalakas nang loob kakampi kase ATAPANG ATAO!!!!

Last si guillemet.......... saya kalaro and magaling, kaso di lalaro pag wala si IOS101 amp!!!

Pahabol ko si Eyeball123......... aaah eeeeeh siya ang dahilan kung bakit nag DODOTA pa ako... alam nya na yun kung bakit hehehehe!

No comments:

Post a Comment