Friday, July 24, 2009

Kwentong Taxi

Kanina pauwi ako, ang weirdo ng conversation ko sa taxi driver na nasakyan ko. Hindi ko rin alam bat ko sinabi yung mga nasabi ko hahaha. Eto basahin nyo para maniwala kayo:
Taxi Driver: Ang bait nung una kong sakay, binigyan akong 200 pero 90 lang yung metro nya. Hindi na humingi ng sukli.
Ako: Wow, swerte nyo naman po.
Taxi Driver: Sana ganun lagi, para mabilis ako maka-quota.
Ako: Hehe. (Tingin ko nagpaparinig na tong si Manong eh!)
Taxi Driver: Ang hirap naman ng buhay ngayon. Yung kinikita ko nauubos sa gatas ng anak ko. Hirap talaga pag may anak na.
Ako: Onga po.
Taxi Driver: Buti pa yung mga single, sarili lang iniisip.
Ako: Hehe.
Taxi Driver: Pag may pamilya na kasi iniisip pa ano ipapang-gatas sa anak at ipapakain sa pamilya.
Ako: Ganun po talaga. (Sa puntong ito, naiirita na ko sa pagka-madaldal ni manong ha. Nagpaparinig ba to na bigyan ko rin sya ng 200??)
Taxi Driver: Ikaw maam, may pamilya ka na ba?
Ako: Meron na po. (Ewan ko nga bat ganito sinagot ko e. Wahaha!)
Taxi Driver: May asawa na po kayo?
Ako: Meron na.
Taxi Driver: May anak na po?
Ako: Wala pa.
Taxi Driver: Bakit naman wala pa?
Ako: Wala eh, di pa nabibiyayaan.
Taxi Driver: Bakit naman? Pero sinusubukan nyo?
Ako: Minsan.
Taxi Driver: Bakit wala pa rin?
Ako: Ayaw rin namin, wala pa budget. At kailangan matapos muna mga kapatid namin.
Taxi Driver: Nagpi-pills ba kayo? (Tangina, di ba magets nito na ayaw nga namin!?)
Ako: Hindi
Taxi Driver: O, dapat nabubuntis na kayo. Baka mababa matres nyo.
Ako: Ayaw nga namin kasi wala pa budget.
Taxi Driver: Pahilot po kayo, baka mababa lang matres nyo. (Ang kulit na talagaaaa! Bat ba pinagpipilitan to!?!?)
Ako: ... silence ...
Taxi Driver: O baka yung mister nyo mahina. Yung sperms kumbaga.
Ako: Aaah.
Taxi Driver: Pero mababa talaga siguro matres nyo. Pahilot kayo, yung misis ko ganyan din dati eh.
Ako: Ah talaga?
Taxi Driver: Oo, 2 years na kami kasal wala pa rin, nung nagpahilot sunod-sunod na.
Ako: Okay.
Taxi Driver: Tapos dapat tama yung posisyon nyo.
Ako: Manong pa-pasok po dyan sa gate na yan.
Buti na lang dumating na sa bahay ko!!! Juskoooo pinagpawisan ako kaka-sagot sa taxi driver na ito!!!

No comments:

Post a Comment