Wednesday, July 8, 2009

Dota Player ba U?

Nitong week na to, meron akong ife-feature na Dota player dahil... Wala lang. Trip ko lang eh. At gusto ko rin malaman nating lahat kung ano ang buhay ng isang Dota Player. Ang una kong biktima ay walang iba kundi ang fafalicious, uber to the max gorgeous na si Boy_B*te.
1. Pangalan at Edad?

Normz Dellosa

Edad: 19



2. Anong pangalan ginagamit mo pag nalalaro ka (GG ID, etc)? San mo naman napulot to?
Boy_B*te - hindi naman talaga sakin nang galing to. Pinangalan ito ng tropa kong si -destiny- dahil sabi ko gusto ko ng pangalawang nakakatawa ay maalala ng lahat. hahah Hindi naging madali magkaron ng ganitong pangalan. Nung level 1 palang ako at first time ko mag GG, nabansagan akong quitter dahil sa lvl at pangalan ko. Hello first gg game ko sa dota ever quitter na daw agad

3. Ilang years ka na naglalaro ng dota?
1 year

4. Ano ang first hero na natutunan mo? At bakit?
First hero ever? Sven. Stun lang daw at palo palo

5. Ano ang di mo makakalimutang experience sa dota?
Nakilala ko ang may ari ng blog na ito

6. Sino nagturo at nag-impluwensya sa yo na maglaro ng dota?
si -destiny- pinilit lang ako pero ayaw ko tlga kasi nahihilo ako sa larong to. Si Alega|Porkchop naman ang nag 1on1 training saakin na pinuntahan ako dito sa bahay para turuan ako mag dota na naka cheat on. Sa awa ng dyos mas magaling na ako kay alega ngayon.

7. Bakit mo nagustuhan ang dota?
Hindi na ako nag raragnarok eh. lahat ng tropa ko nagdodota so out of place naman ako pag di ako marunong nito. Lagi nilang pinag uusapan at can't relate ako kaya nag aral din ako.

8. Ikaw ba ay taga-utos? O taga-sunod ng utos? At bakit?
Taga sunod ng utos. Dahil ako ang pinakamahina saamin, wala akong magagawa kundi sundin ang utos nila kahit minsan labag na sa loob ko.

9. Napahamak ka na ba ng dahil sa dota? Kelan at bakit?
Marami akong friends na nakakaaway dahil sa larong to. Don't take dota personally. haha

10. Kung yayain ka ng GF/misis mo mamili ng sapatos, at niyaya ka din ng tropa mo magdota, sino susundin mo? At bakit?
Shempre sasama ako sa tropa kong nag dodota. Dahil wala naman akong GF/MISIS sa ngayon. Pero kung sakaling GF/MISIS ko ang magbabayad ng sapatos na bibilhin, shempre sasama ako sa mall. Pwede namanag mag dota pagkatapos nya akong bilhan ng sapatos db??

11. Ano ang paborito mong linya kapag nangta-trashtalk ka?
TAENA MO DIN!

12. Sino ang paborito mong i-trashtalk?
yung mga nantatrashtalk lng

13. Ano sa tingin mo ang kailangan ng isang taong gustong maging magaling sa dota?
Patience and determination. Masyado ng maraming magaling mag dota. kung gusto mo maging kagaya nila, kumain ka muna ng sandamukal na trashtalk at paninisi. Walang taong magaling agad.

14. Ano sa tingin mo ang kailangan mo pang i-improve sa dota skills mo?
LAHAT! HAHAHA

15. Sa tingin mo ba eh magaling ka magdota?
Hindi, gaya nga ng sabi ko, ako ang pinakamahina samin.

16. Napagalitan ka ba ng nanay/asawa mo dahil sa dota?
Oo isang beses kumatok sa kwarto ko at galit na galit dahil 8PM na eh naglalaro ako at wala pa ako kinakain buong araw.

17. Nakasira ba ang dota sa trabaho at pag aaral mo?
Hindi matagal ng sira bago pa ako mag dota

18. Kelan mo balak mag-quit?
pag may lumabas na bagong laro

19. Sa tingin mo ba eh pogi ka? Please provide evidence.
Ano koneksyon ng tanong na ito? Ayan ang picture ko kayo ang humusga.

Photobucket
Paki-click para mas malaki ang piktyur.
20. Last but not the least, ano ang masasabi mo sa ibang dota players out there?
Ang masasabi ko lng... WE NEED COOPERATION IN ORDER TO SUCCESS. Motto ito ng ARMED AND LOADED (Hindi ako kasali sa Armed and Loaded) sa ragnarok na gusto kong iapply sa dota.
Ano sa tingin nyo, pogi nga ba si Boy_B*te? Bumoto na, now na!!
Kung ikaw ay dota player at gusto mong ma-feature dito, sagutan lamang ang 20 questions sa taas at magpadala ng picture sa iskwall@yahoo.com. Mabuhay tayong mga dota players!!

No comments:

Post a Comment