Tuesday, July 28, 2009

Dota Hunk of the Week: ralphxxx

Kung last week eh Babe ang ating ni-feature, ngayong linggo naman ay isang hunk ang ating ipapakilala sa mundo! Akalain mo bang may isang macho palang naglalaro ng dota!? Girls easy lang kayo, single pa "ata" tong anak kong ito. =) Paki-sagot rin pala sa poll sa kanan!
1. Pangalan at Edad?
Name: Ralph Daryl Naldoza
Edad: 22

2. Anong pangalan ginagamit mo pag nalalaro ka (GG ID, etc)? San mo naman napulot to?
ralphxxx – pangalan ko at saka variable na naisip naming ng tropa ko(my nardsxxx at ryanxxx dn)

Kapag LAN game naman, kahit ano lang. Minsan nanggagaya ng pangalan ng iba, o kya yung pangalan na nakakaasar sa kalaro ko haha


3. Ilang years ka na naglalaro ng dota?
mg 5 years na ata LOL

4. Ano ang first hero na natutunan mo? At bakit?
Sand King, Kasi yun yung sikat na hero nung time na noob pa ko s Dota. Madalas ko rin ginagamit yun kasi madali i-farm at ska malakas pa yung Epicenter nya nun.

5. Ano ang di mo makakalimutang experience sa dota?
Tim’s Bday- Dumayo kami sa shop ng team na madalas kalaban ng tropang Papanot’s. Walang pusta pero bayad oras yata yung game n yun. Yun pa yung time na paborito ko si Beastmaster, tpos Necronomicon ang primary item ko. Level 3 na Necronomicon ko nang biglang may nagreklamong miron na tropa ng kalaban. Bawal daw yun,(di ko alam hanggang ngayon kung bawal yun, d kasi ako nakikipaglaro ng pustahan). Hindi ko na lang ginamit yung Demonic Summoning nung Necronomicon. Nawalan na ko ng gana sa laro. Natalo kami pero di naman ako nasisi ng mga kakampi ko, kasi di naman nila ugali yun. Sa bagay unang panalo pa lang nila sa tropang Papanots yun. Hehe.

Dati kapag ng shuffle players at magkakakampi kami nila Omel at Mahr, RM na agad yung kabilang side. Lugi daw. (korni nila kalaban)

6. Sino nagturo at nag-impluwensya sa yo na maglaro ng dota?
Classmates sa college, ka-tropa sa shop.

7. Bakit mo nagustuhan ang dota?
Kasi I love competition, especially when it gets personal.LOL. Saka gusto ko ng games, na kailangan ng Teamwork, strategy and tactics.

8. Ikaw ba ay taga-utos? O taga-sunod ng utos? At bakit?
Depende sa kakampi, kung walang mag-oorchestrate sa team namin ako na lang si “lider”. Pero kapag may magaling/marunong sa team namin, sya na lang si “lider”

9. Napahamak ka na ba ng dahil sa dota? Kelan at bakit?
Hindi pa naman hehe

10. Kung yayain ka ng GF/misis mo mamili ng sapatos, at niyaya ka din ng tropa mo magdota, sino susundin mo? At bakit?
Bibili na lang ng sapatos, kasi onti lang sapatos ko. Basta sya mgbabayad haha. Tapos saka ako mgdodota pag-uwi hehe

11. Ano ang paborito mong linya kapag nangta-trashtalk ka?
“Bobo mong bobo ka” “RAWR” “Aus na, IMBA….IMBAno” “Ulol ka” hehe

12. Sino ang paborito mong i-trashtalk?
Mga Bobo maglaro: Yung mga walang improvement haha

Mga Kalaban: Yung mga naninilip/comsater sa shop, mga Chameleon(isang mata sa monitor nila, yung isa sa monitor ng kalaban) at mga Giraffee(mga flexible ang leeg para mangomsat) Putang ina nyo sana mabulag kayo.


Mga Hindi Kasali: Oo pati to pinapatulan ko, kapag may mga miron dito sa shop na mahilig mgcomment sa laro, di naman kasali. Hehe


13. Ano sa tingin mo ang kailangan ng isang taong gustong maging magaling sa dota?
Everything takes time and dedication. Kung gusto mong maging magaling bigyan mo ng time and dedication. At wag ka maglalaro ng AI ang kalaban.

14. Ano sa tingin mo ang kailangan mo pang i-improve sa dota skills mo?
Wala na siguro

15. Sa tingin mo ba eh magaling ka magdota?
Uu naman, kung di ako magaling siguro di nila ko pagkakatiwalaan sa laro.

16. Napagalitan ka ba ng father/mother/BF mo dahil sa dota?
Hindi pa naman.

17. Nakasira ba ang dota sa trabaho at pag aaral mo?
Minsan, nakakapuyat kapag napapa Dota Marathon sa shop eh

18. Kelan mo balak mag-quit?
Di ko alam eh, haha. Siguro babawasan ko na lang time ng paglalaro ko. Di pa kasi magaling injury ko sa MCLat di ako makabalik sa training ko, kya puro Dota na lang muna. haha

19. Sa tingin mo ba eh gwapo ka? Please provide evidence.
Ewan ko, tanong nyo sa nanay ko na may-ari ng blog.
Note from blog owner: eto po ang hunk player natin, paki-click ng piktyur para makita ang larawan ng buo.
Photobucket
20. Last but not the least, ano ang masasabi mo sa ibang dota players out there?
ASA KAYO….LOL. Batiin ko na lang yung mga fans nitong blog ni Mami at yung mga nakakalaro naming sa Garena. Binabati ko rin ung mga tropa dito sa L.I.B. Omel, Mahr, Pat, Onad, Tian, Kongx2, Dei Pot, Greg, Myke, Kim at sa iba pang kinain ko lang sa laro.
Kung nais nyong ma-feature sa blog na ito, paki-sagot na lang ng mga katanungan at ipadala sa iskwall@yahoo.com kasama ang inyong best fiktyur!

No comments:

Post a Comment