Wednesday, June 17, 2009

Mga Kakaibang Pangalan

Nung isang araw, naka-encounter ako sa trabaho ng kakaibang email. Kakaiba dahil ang pangalan ng taong nagpadala ng email na iyon ay talagang kakaiba. So naisip ko tuloy, ano pa kayang mga pangalan ang nasa global directory namin na talagang kakaiba? Eto ang mga nakita kong kakaiba na talaga namang natawa ako sa iba. Sino ba naman kasi mag aakala na may mga tao pala na ganito talaga pinanganak at pinangalan?
Mga may posisyon sa military:
  • Admiral Liu. Baby pa lang sya, pero tinatawag na sya bilang pinakamataas na rank sa marines.
  • Sargent Di. Wrong spelling pa ata...
  • Master Yu. Isipin mo na lang, kapag tinatawag sya ng mga kaibigan nya, "Hoy Master!" O d iba?
Mga Celebrity:
  • Kin Chew. Sounds like Kim Chiu.
  • Michael Jackson. Idol siguro ng mga magulang nito ang King of Pop.
  • Tom Jones. Idol siguro ng mga magulang nito si Tom Jones.
  • David Cook. Hindi ko alam kung sino ang unang napanganak. Ang David Cook na singer or itong taong ito.
  • Lucy Liu. Same comment as above.
  • Amy Lee. Same comment as above. Magaling rin kaya sya kumanta?
  • Stephen Chow. Jackie Chan. Bruce Lee. Jet Li. Tony Leung. Pag pinagsama pala ang limang ito, pwede na silang ultimate Power Rangers ng opisina!
  • Jojo KC. Talagang ginawang ganito ang pangalan. KC & Jojo, ikaw ba yan?
Mga Kakaiba talaga:
  • Peter Pan. Okay... Talagang Peter ang pinangalan sa kanya...
  • Gas Man. Mahilig kaya umutot tong taong to?
  • Sky Sun. Hanep, Sky na, Sun pa!
  • Sun Sun. Eto siguradong shiny, dalawang sun eh!
  • Sunny Sun. Hindi lang sya sun. Sunny sun talaga sya.
  • Mario Super. Whoa, super mario!
  • Bud Chiller. Tagapag-lamig ng kaibigan.
  • Robin Hood. Oh yeah, the Prince of Thieves!
  • Bo Tan. Sino nga ba si Bo Tan? Alam ko parang character to eh...
  • Howard How. How How How de carabao?
  • Lily Lee. Hindi na nagsawa sa syllable na "Li"
  • Sonic Song. Wow, anong klaseng kanta itong sonic song?
  • Sy So. Alin dito ang pangalan at alin ang apelyido???
  • Fang Fang. Fang plus fang equals Fangs. Buti hindi ka na malilito dito kung alin ang pangalan at apelyido kasi pareho lang...
Sa mga opismates ko, tingnan nyo to sa address book kasi meron talagang ganitong pangalan! Bwahahaha!

2 comments:

  1. botan=charlene ng yuyu hakusho? hehe.. X_x

    ReplyDelete
  2. ahhh ayun tama! hehehe. Tenks Gaze!

    ReplyDelete