Wednesday, June 24, 2009

Dota Quitters Lines III

Medyo matagal-tagal na rin nung nagsulat ako tungkol sa Dota Quitters Lines. Kung maaalala nyo, meron na po akong Part 1 at Part 2 (Paki-click na lang ng link kung gusto nyo ito makita). Medyo matagal-tagal na rin kasi bago ako naka-encounter ng mga players na mahilig mag-quit. Siguro dahil una, palagi na lang kami private game ng dota tropa sa sobrang growing family kami. At sa tropa, wala nagq-quit kaya ayus. Pangalawa, kung wala ang dota tropa eh nasa S2S (shop-to-shop) naman kami, lalo na kapag kasama si -destiny- or yung tropang MES.

Anyways, magsusulat ulet ako ngayon tungkol sa dota quitters lines kasi kagabi, may kakaibang excuse kaming narinig. At hindi lang yan... Lately, kahit sa tropa eh may quitter na rin. Kaya eto ibabahagi ko sa inyo ang mga bagong linya ng mga quitter at leaver sa dota:
Nag-shutdown po PC nya.
Ito ang sabi ng isa sa kalaban namin sa S2S room matapos ma-first blood, ma-dobol kill, at malugi sa hero kills. Sabi nila tuloy daw kahit kulang sila ng isa. Pero nung may sumunod na death sa team nila, aba eh nag-quit na rin yung iba ng walang sali-salita. Ano kaya yun? Pero in fairness, minsan nangyayari naman talaga ito, lalo na pag nag-brownout.

Wala kami stunner, GG na. (Sabay quit)
Hindi pa nga umabot sa 2nd layer ng towers ang nasira, nag-remake agad ng game. Bakit? Ang hero line up kasi ng isang team eh walang stunner/disabler. Kaya ayun, GG na agad. Ang hina naman ng loob nito!!

Tanga yung import. (Sabay quit)
Minsan hindi maiiwasang kulang ang dota tropa, kaya nag-iimport para makapaglaro ng 4v4 or 5v5 game. Minsan malas talaga kasi super mega over to the max ang pagka-inutil ng import na nakukuha. Pero minsan swerte rin dahil marunong at lalong chamba kung magaling pa. Pero kadalasan, kahit anong pag-eeffort ng import eh it's never gonna be enough. Lahat ng sisi mapupunta pa rin sa kanya. Oh well. Suggest ko, wag sumali kung alam mong ikaw ay isang import...

Wala po ako hotkeys. (Pero umabot pa ng mid-game)
Kakaiba talaga ito. Pina-abot pa ng mid-game para magquit at ang dahilan eh dahil walang hotkeys. Sana sa umpisa pa lang eh sinabi na agad na walang hotkeys para makapag-remake. Pero hindi, umabot pa ng midgame. Either umaasa yung player na yun na kahit walang hotkeys eh kaya nya, or talagang lame excuse para mag remake...

"Kayo na lang maglaro." (Sabay quit)
Dahil hindi na siguro matiis ng player na ito ang pagiging bossy, pagka-nagger, pagiging pakialamero, at pagka-demanding ng ka-team nya, nagquit na lang sya. Kung sabagay, nakaka-stress naman kasi talaga kapag kakampi mo eh dikta ng dikta sa yo kung ano gagawin mo. Nakakasira ito ng diskarte. Kulang na lang eh ibigay mo ang control sa kanila para sila na lang maglaro ng hero mo. Ang hirap kasi sa ganitong players, hindi marunong makiramdam. Kailangan ikaw makiramdam sa kanila, and not the other way around. Sa sobrang galing nila eh dapat ikaw ang mag-adjust para sa kanila. Bat ka pa sumali sa team play kung pang 1v1 ang style mo d ba?
Ayan, dadagdagan ko na naman yan kapag may napulot akong mga kakaibang quitters lines. Kapag meron kayo na-encounter, sabihan nyo rin ako! :D

No comments:

Post a Comment