Thursday, May 7, 2009

Umuulan, Umiiyak ang Langit

Eto ang panahong masarap matulog at magpaka-baon sa mga kumot at unan, lalo na kapag may kayakap at kapiling sa pagtulog. Ito rin ang panahong nakakatamad -- nakakatamad magtrabaho, pumasok sa eskwela, maglakwatsa, at kung anu-ano pa. Mas masarap kasing magpahinga lang.

Pero para sa mga simpleng manggagawa na tulad ko, ito ang panahon ng kalbaryo. Bakit? Eh kelangan ko magtrabaho eh! Amp yan. Baka ma-miss ako masyado ng mga bossing ko, syet katakot-takot na emails na naman ang matatanggap ko nyan bukas pag di ako pumasok. At ang mas malala pa nito, kelangan ko tahakin ang mga basang daan papuntang opis! PAKSHET!!!

Andaming hirap na naranasan ko kaninang umaga para lang makapasok:

  1. Kelangan ko gumising. Kahit gusto ko pa matulog, napapanaginipan ko yung mukha ng boss ko na tumatawag sakin at nagtatanong kung di ako pumasok. Dun pa lang nagising na ako.

  2. Kelangan maghanap ng damit na bagay sa ulan. Syempre dahil sa lamig, alangan naman akong mag-sando no. Kaya pahirapan pa sa paghanap ng damit (eh maarte ako eh, bakit ba!)

  3. Kelangan maghanap ng raincoat. Dahil maarte nga ako, ayokong nababasa ang bag ko at damit ko, kaya naghanap akong raincoat. In fairness, charing pa tong raincoat ko dahil black trench coat pa. Jologs nga lang kasi kinailangan kong maglakad sa Shaw papuntang office wahahaha. Taray siguro lalo nun pag nagka-kotse (*ehem* paging Kalbo, bumili ka na kasi kotse! Maya na yang kinabukasan natin. Nyahaha joke!)

  4. Kelangan mag-ingat sa dinadaanan dahil andaming basurang nakakalat, at maraming puddle of mud na malaking perwisyo pag naapakan mo. Kadirs yung daan pag umuulan eh, nagmi-mix yung dura, basura, at suka sa tubig. At pag na-contaminate nito yung paa mo, naku maligo ka na ng alcohol.

  5. At pagdating dito sa opis, LATE!! Imagine mo sa hirap na pinagdaanan ko eh male-late lang pala ako! Tae talaga, asan ang hustisya!?!? Haynako!
Kaya ngayong panahon ng tag-ulan at umiiyak ang langit, umiiyak rin ako sa perwisyong kelangan kong daanan sa bawat araw na umuluan. Haaaaay!

No comments:

Post a Comment