Wednesday, May 13, 2009

Hindi pa ako over sa iyo

Dear Kuya-Ate Pakshet,

Nagkaron na ba kayo ng karanasan na yung taong akala mo ay nakalimutan mo na, eh nakita mo ulet, at biglang bumalik ang lahat ng naramdaman mo sa kanya noon?

Pakshet kasi yang sitwasyong ganyan e.

After all these years, kala mo kasi nag-move on ka na. Yun bang alam na alam mo na wala ka nang nararamdaman para sa kanya, at natanggap mo na talagang hindi sya para sa iyo. Yung tipong kahit hindi na kayo magkita o mag-usap o magkasama ng 10 million years eh okay lang sa yo kasi hindi na sya bahagi ng buhay mo. Yung meron ka nang nahanap na bago at sa tingin mo eh eto na ang The One mo.

Pero nung nakita mo sya, isang napakalaking *BOOM* with matching bukol sa ulo.

Yung mga inaakala mo sa mga nagdaang taon ay bigla na lang natapon lahat sa basurahan. Bakit bigla ka pinagpapawisan? Bakit hindi mo sya matingnan ng derecho sa mata? Bakit mo inaayos yang buhok mo? Bakit gusto mo magpa-impress? Bakit anlakas ng tibok ng puso mo? Bakit bigla kang kinilig? Bakit? Bakit? Bakit? At dun sa millisecond na nagkatinginan kayo, nalaman mo na hindi ka pa pala over sa kanya.

Tae naman!!!! Ano ba dapat gawin sa ganito?

Nagmamahal,
Pakshet din

3 comments:

  1. siguro dapat magpakamatay na lang! kasi sobrang loser ng taong to eh!

    ReplyDelete
  2. Move on, let go.

    Kahit di kaya, move on, let go pa din!

    XDD

    ReplyDelete