Thursday, May 21, 2009

Hayden Kho o Hayden Mo?

Kilala mo ba si Hayden Kho? Kung hindi pa, aba eh hindi ka IN!! Magbasa ka nga ng dyaryo o kaya manood ka ng news sa TV dahil sikat na sikat na itong Doktor na ex-lover ng cosmetic surgeon na si Vicky Belo. Ang aspiring actor na ito ay mainit ngayon sa mga balita dahil sa mga nagkakalat na sex scandals nya. Isipin mo, meron syang scandal sa 3 na magagandang babae! At malaya itong kumakalat sa internet! Pakshet!

Noong una kong marinig itong balita, wala lang, kung ano ang reaction ko sa mga milyones na scandal na lumabas, ganun din reaction ko dito. Pero nung mapanood ko, anak ng tokwa, napa-mura ako. Isang baboy itong si Hayden. Akalain mo ba namang maglagay ng hidden camera at i-record ang kababuyang ginawa nya? Sino ba namang lalaki na may matinong isipan at may respeto sa isang babae ang gagawa nito?

Oo, sa tingin ko bakla yang si Hayden. Front nya lang yan kunwari nakikipag-chukchak sya sa mga "sizzling hot" na babae pero malamang lalaki talaga tinitira nyan. Kasi isipin mo na lang, kung lalaking may bayag sya, hindi sya magpapaka-baba at mag-eeffort para i-video tape yung ginawa nya. Kung may bayag sya at totoong exhibitionist sya, eh di hindi na nya kailangan pang itago yang "hayden" (hidden) camera nya at sana sa kahabaan ng Edsa na lang sya nakikipag chuk-chak para makita ng lahat ng tao. Kung may bayag sya, marunong sana sya rumespeto sa mga babae kahit itong mga tangang babaeng to e nagpapagamit rin.

Ay oo nga pala, tanga talaga tong mga babae. Kung talagang minahal nga nila yung ugok na yun, eh mapapatawad pa siguro dahil ang pagka-video tape sa kanila ay hingid sa kanilang kaalaman. Sila ang biktima at dapat silang kaawaan at bigyan ng simpatiya. Naaawa ako sa kanila dahil napakatanga nila at nagpa-loko sila sa ungas na yun. Pero kung purely, deliberately intentional ang pag-pagamit nila ng katawan nila sa lalaking ito na may carpet sa dibdib, eh isang malaking PAKYU lang ang ma-ioffer ko sa kanila. Deserve nyo yung nangyari sa inyo. Wag kayo umiyak-iyak dyan.

Pero going back to Hayden, iniisip ko siguro idolo na sya ngayon ng maraming kalalakihan. Biruin mo ba naman, puro "ooh la la" ang mga naikama nya. Ang tanong ko lang dyan, eh sigurado ba kayong iniidolo nyo yung baboy na yan? Kaya nyo bang gawin ang i-video tape ang ginagawa mong katarantaduhan sa kahit sinong babae ng hindi nya alam? Sa gelpren o asawa mo? Sa nanay at sa mga kapatid mo? Sa mga kaibigan at opismate mo? Kung kaya mo, ikaw ay isa ring baboy. At sana magsama kayo ng Hayden Mo na mabulok sa impyerno.

Tsk! Ito nga pala ang idol nyong baboy, sa totoo nyang anyo:

Photobucket

No comments:

Post a Comment