Wednesday, April 8, 2009

Wag ka na lang mag-English, okay?

Kaninang umaga, may nakasabay ako sa Elevator. Naliligaw ata sya, dun sya sumakay sa Express elevator na ang byahe eh Basement7 to Ground, at 31st Floor to 49th Floor. Ang gusto nya puntahan eh 19th Floor. Obviously, walang 19th floor dun sa buttons sa elevator, kaya etong si Ate, nagmu-mumble pa ng "19th, 19th" sabay hanap kunwari ng number na 19.

Aba eh nung wala na talaga sya mahanap, bumanat pa si ate ng "Where is it?" Hanep, English!!!! Mukhang mag-aapply ata sya sa Sykes, at mukhang nagpa-praktis para sa interview. Bilib na sana ako sa Ingles nya e, kaso... Sablay. Ayoko naman magpintas pero kasi ang sagwa pakinggan e. Parang ingles na tagalog ung tono... Alam mo yun? Yung parang Tagalog na Bisaya or ilonggo yung tono. Ganun na ganun.

Anyways, siguro hindi na nya matiis at nagtanong na sakin kasi malapit na yung 31Floor. Grabe, hindi ko na-expect na pati ako i-English nya! Wahahaha. Kinausap ako ni Ate ng "Howduaygito 19th Floor.."

Nakatingin lang ako sa kanya, napaka-clueless ko kung ano ang ibig nyang sabihin. So sabi ko na lang, "Ha?"

Ayaw talaga nya tumigil, ininglish pa rin nya ako. This time, slower. Para naman daw ma-gets ko. "How.. do.. I.. get... to... 19th floor."

O-kay.

Yun pala gusto nya sabihin. So sinagot ko sya "Mali po yung elevator na sinakyan nyo."

Tas sinagot nya ako ng "Ah okay, so ano dapat kong sakyan?"

Aba'y akalain nyo, nagtatagalog rin pala si Ate! Pinahirapan pa nya ako sa kaka-English nya na hindi ko naman na-gets eh marunong din pala magtagalog ang lola mo. Minsan kasi okay lang mag-English. Pero minsan ilagay naman sana sa tamang lugar. Nasa Pilipinas ka, at obviously Pilipino kausap mo so bat ka pa magpapaka-plastik at magkunwaring hindi ka Pinoy sa pamamagitan ng pagsalita ng Ingles. Pwede naman magtagalog, haller?

Oh well. para naman sumaya ang araw nyo, ishi-share ko sa inyo ang Archer Arios na gagamitin nila sa bagong Gundam 00 movie (salamat kay Eps sa pag-share nito!). Makaka-relate nito ang mga nanonood ng Gundam 00. Hehehehe.


Photobucket

No comments:

Post a Comment