Tuesday, April 14, 2009

Once A Week Deodorant

Kaninang umaga sa MRT station, yung manong sa harap ko eh na nakasuot ng pang pulis na pantalon at siguro nasa 38 yung waistline nya. Tapos, anlakas-lakas-lakas-lakas-lakas-lakas talaga ng putok nya. May golay... Hindi nakayanan ng ilong ko kahit na nakatakip na ako ng panyo. Dali-dali na lang ako pumunta sa Ladies' cart para malayo ako dun sa mabahong un.

Dapat kasi sa mga ganun, gumagamit ng deodorant. At lalo na ngayong summer at napakainit, bumabaha ng pawis ang ating katawan. At pag hindi natin ito inalagaan, eh talagang magkaka-bacteria ang katawan at babaho.

So ano ang solusyon??? Let me present you with... The Once A Week Deodorant:

Photobucket
This is the world's ONLY weekly deodorant. Just wipe it 1 time, and it lasts 1 week!

Nakita ito ni mareng Mary Rose sa Singapore nung pumasyal sya doon. Ang tanong, kapag naligo ka ba eh kakapit pa rin sya? O di kaya, kapag ginamit mo ito, ibig sabihin nyan eh hindi ka na maliligo ng isang linggo?

No comments:

Post a Comment