Monday, April 13, 2009

Musta Bakasyon?

Apat na araw na walang pasok = HOOORAAAAY!! Pero ang tanong, may ginawa ka bang maganda ngayong bakasyon? Ako kasi wala.

Apat na araw, nasa bahay lang ako. More specifically, nasa kwarto ko lang ako. Anong ginawa ko? Naku marami! Una, naglaro ako ng Wii. Pero dahil sa sobrang init, hindi ko ito natagalan. Bawat hampas ko sa Tennis (Wii Sports), e isang balde ng pawis ang kinakatas ng katawan ko. Kaya nag Mario Kart na lang ako. Again, sobrang init hindi ko nakayanan ang gumalaw galaw ng braso ko. Bat ba napaka-init noong bakasyon?

Pangalawa, naglaro akong PSP. Kaso naubusan naman ng battery kaya hindi ko na rin nagalaw. Pangatlo, nanood ako ng TV. Ito effortless kasi. Hindi ako gumagalaw, therefore hindi ako napapawisan. Pinatulan ko na kahit anong palabas. Kahit nga yung My Big Love ni Fafa Sam Melbe at Toni Gonzaga pinanood ko na.

Pang-apat, nag-internet na para bang walang internet araw araw sa office. Facebook FTW! Lalo na yung Word Challenge. Kasi nakaka-challenge talaga sya. Kumayod ako ng kumayod hangga't naabot ko ang #1 spot. Bakit? Na-challenge nga ako e.

Panglima, nag-Dota. As usual. Inaabot ako ng alas-singko ng umaga sa kaka-Dota. Bakit? E wala naman pasok kinabukasan! Kita mo, kagabi hirap na hirap ako matulog ng maaga dahil sanay na katawan kong matulog ng mag-uumaga. Haynako. Buti nga nakapasok ako ng hindi late e. Anyways, ewan ko ba bat ako naaadik sa Dota. Kahit ano gawin ko, di ko talaga maiwan tong larong to... Parang nangangati katawan ko pagsapit ng gabi at hindi ako nakakalaro. Nakakainis! Pano ba mag-quit dito? Nahihirapan na ako, lagi na kami nag-aaway ni *ano* dahil sa kaka-dota ko. TSK!

At pang-anim, syempre nag-simba ako at nag-Celebrate sa muling pagkabuhay ni Kristo. Ay nanood din pala ako nung prosisyon sa Makati. Yun lang ata ang nagawa kong related sa Lenten Season eh. Hay, pag nabasa siguro to ng teacher kong Madre noong elementary ako, or nung Tutor ko nung college, baka dinagukan na ako sa ulo. Hahaha.

Pag naiisip ko ngayon, parang sinayang ko yung apat na araw kong bakasyon. Wala man lang akong na-accomplish na significant. Andami ko pa naman sana balak gawin. Ni isa, walang natupad!! Pakshet! Eto dapat ang listahan ko eh:
  1. Mag back-up ng files (tinamad ako)
  2. Maglinis ng kwarto (ang init kasi kaya tinamad ako)
  3. Mag-manicure at pedicure (again, napaka init kasi kaya tinamad ako)
  4. Mag Defrag (ay ito pala nagawa ko!!!)
  5. Manood ng leaked Wolverine movie (ayaw kasi ni *ano* kaya di ko na rin pinanood)
  6. Manood ng Gundam Destiny (tinamad akong magbura ng files para kopyahin ito, kaya di na lang)
  7. Palabasin ang lahat ng carts sa Mario Kart (paki-basa nung taas)
  8. Manood ng Heroes (again, tinamad akong magbura ng files para kopyahin ito, kaya di na lang)
  9. Gumawa ng Sig para sa MG Board (tinamad ako)
  10. I-edit ang isang picture para sa MG Board design arena (tinamad ako)
Bottomline is, tinamad ako noong 4-day vacation kaya wala akong nagawa. Pakshet. Ikaw, musta bakasyon mo? Baka mas pakshet pa kesa akin. Kwento mo naman!!

Anyways, para mag enjoy naman tayong lahat, eto nakuha kong isang pakshet na signboard na nakita ni Mary Rose sa SG:

Ano daw!?!?!

1 comment:

  1. refuse - (n.) maarteng pagtawag sa basura o trash. :))

    ReplyDelete