Wednesday, April 15, 2009

Broken-hearted ba U?

Isa sa mga karanasan na hindi maiiwasan ng lahat ay ang heartbreak. Likas ang pag-ibig sa katauhan ng tao (anlalim!), at sa bawat pag-ibig, minsan may katumbas na heartbreak. At oo, masakit ito. Pero sa kabutihang palad, ang tao ay sadyang nakaka-aliw dahil gagawa at gagawa sya ng paraan para makapag-cope sa heartbreak na ito.

Andaming pwedeng gawin kapag brokenhearted ka. Pwede ka mag-focus sa studies or sa trabaho mo. Mag spend ka ng time kasama ang pamilya at mga kaibigan mo. At maghanap ka ng malilibangan. Para hindi mo maalala ang sakit at hapdi na dulot ng bigong pag-ibig.

Pero merong ibang tao na minsan, medyo extreme ang pag-cope sa broken-heartedness nila. At dahil dito, nag-compile ako ng mga bagay na hindi dapat ginagawa kapag brokenhearted. Ito ang tinatawag kong Top 5 Things a Broken-Hearted Person Should Avoid:
  1. Magpakamatay. Grabe ha, OA naman to. Sayang naman ang buhay mo kung ilulustay mo lang para sa isang tao. Hindi ko talaga makita ang logic na ito, kasi in the first place, pwede ka pa naman maghanap ng iba. Just move on. Pero ang pagpapakamatay? Well, kung gusto mo mabulok sa impyeryno, pwede rin.

  2. Maglasing araw-araw, gabi-gabi. Hindi ko rin nakikita ang sense sa ganito. Pwede ka maglasing mga isa o dalawang beses sa isang linggo. Pero araw araw? Jusko. Sinisra mo na katawan mo, sira pa trabaho/pag-aaral mo dahil sabog ka araw araw, at ubos pa pera! Triple Kill agad sa yo yun.

  3. Maging stalker ng Ex mo. Medyo understandable ang pag-stalk sa umpisa. Pero hanggang sa magkaron na sya ng bago at magka-asawa eh sino-stalk mo pa rin sya, aba mag-isip ka na! Sinasayang mo ang oras sa isang taong hindi na babalik sa yo. Nakahanap ka na sana ng kapalit. Pero dahil sa obsession mo, stuck ka dyan forever!

  4. Magpakabaliw. Well, sabi ko nga, sa umpisa maiintindihan pa na mababaliw ka nga dahil sa sakit. Pero wag naman sana dumating sa point na magdala ka ng bomba sa bahay nila. O kaya sabunutan mo yung nanay nya. Or ipa-kidnap mo yung bago nyang syota. Kasi pag ganun ka na, magpa-confine ka na lang sa Mandaluyong Mental hospital.

  5. Maging destructive. Yung tipong sa sobrang sakit at inis na nararamdaman mo, sinisira mo na lahat ng bagay na nasa paligid mo. Yung cellphone mo, yung laptop, yung ipod, yung upuan, yung libro, yung mesa, etc. SAYANG. Lahat ng pinaghirapan mong bilhin, mawawala sa isang iglap lang dahil sa isang tao? Wag naman ganun, ipamigay mo na lang sa iba makakatulong ka pa.
Pero sa totoo lang, kapag nasa sitwasyon ka na, papasok at papasok talaga sa isip mo na gawin ang kahit isa sa mga dyan. Siguro dahil sa sobrang sakit, parang nawawala ka na sa sarili mo. Kaya bilib din ako sa mga taong nakapag-move on. Ibig sabihin nun, matatag at matapang sila para harapin ang katotohanan. =D

No comments:

Post a Comment