Thursday, April 23, 2009

10 Reasons Why I Should Quit Dota

  1. Nakakasira ng relasyon. Minsan sa sobrang kaadikan, nakakalimutan na mag-reporting for duty. Minsan rin, hindi na nagpapansinan kapag isa sa inyo ay nagdodota. At minsan, kapag magka-laban or magkakampi kayo ng ka-relasyon mo, hindi maiiwasang magka-inisan dahil sa: a) noobness; b) overkill; c) diktadorness.

  2. Nakakasira ng pagkakaibigan. Sa dota, hindi maiiwasang magkaroon ng tampuhan, dramahan, at kung anu-ano pang ka-chorvahan. Pero ang mabuti naman dito, eh sa sunod na laro, nakalimutan na yung nakaraan. Panibagong drama na naman. Bwahahaha!

  3. Kulang sa tulog. At alam naman natin kung gaano ka-importante ang tulog. Dahil sa nakaka-adik ang dota, hindi talaga maiwasang magpuyat para dito. Lalo na kapag maraming online at maraming kalaro, parang hindi mo na namamalayan yung oras. Kaya pag weekends, para bang sabik na sabik ka sa tulog.

  4. Nakaka-ubos ng oras. Andami ko pa naman sana gusto gawin, like magpunta sa Manila Zoo at Intramuros, manood ng movies, mag-Ice skating, magpa-massage, etc. Pero lahat yan hindi ko nagagawa dahil isang kalabit lang ako sa GG eh bibigay na ako...

  5. Nawawalan na akong social life. Dahil puro online social life na lang. Minsan tinatamad na ako lumabas ng bahay at makipagkita sa iba kong mga kaibigan (naku, sorry talaga sa inyo!!) kasi mas trip ko mag-online na lang at magdota. =(

  6. Nakaka-wala ng confidence sa sarili. Minsan pag naglalaro at nakikita ko yung mga kasama ko eh gumagaling ng gumagaling, tas ako ganun pa rin, napapa-isip ako na "hanggang dito na lang ba talaga ako?" Pag ganun, nag-d-doubt na ako sa sarili ko eh, kasi ako noobs pa rin tapos sila magagaling na.

  7. Nagkakasakit. May isa akong kaibigan na dahil sa sobrang dota e nagkakasakit na. Siguro hindi na masyado inaalagaan ang sarili dahil puro sa dota na lang ang isip nya. Pero kasi pag nagdodota ka, nakakalimutan mo na lahat ng bagay eh... It's just you and your hero.

  8. Nasosobrahan ang pagmumura. Minsan may mga bagay na mapapa-mura ka talaga. Pero pag sa dota, kapag may kakampi ka na ultra-super-mega-to-the-max noob, minu-minuto na lang eh napakasarap magmura. Haynako kasi yung kampi mo bobo, inutil, tanga, &$@*#...

  9. Nagiging self-centric. Sa dota, may mga tao na ibubuhos lahat ng sisi sa kakampi kapag namamatay sila or kapag hindi sila godlike. Yung tipong "dapat kasi sinasabi nyo kung may nawawala," or "dapat stun mo agad para di ako ma-deds." Dapat teamwork sa dota. It's not just you and your hero. It's you, your hero, and your team.

  10. Natututong magsinungaling. Akala ko dati sa RO ko lang natutunan to. Pati pala sa dota magagamit ko rin. Minsan kasi pag may kakampi ako sa pub game tapos gusto humingi ng prenster o watever churva, sinasabi kong lalaki ako... Pero minsan may mga tao na gumagamit ng "excuses" para sa noobness nila. Kunwari sasabihin nilang lag, or sira mouse, or sira monitor, or sira speakers, or time na sila, or dc sila... para lang ma-justify kung bakit noobness yung laro nila. Minsan nagq-quit on purpose kasi feeding spree na sila, pero sinasabi nila na na-dc lang...
May dagdag pa ba kayo? Gusto ko na magquit... Kagabi nag-try akong hindi magdota, ang consequence naman eh ngayon wala akong ibang iniisip kundi dota... PAKSHET!!! =(

No comments:

Post a Comment