Wednesday, March 4, 2009

You Changed My Life talaga!!!

Nanood ako nung Linggo nung pinaka-bagong kaka-lokang Tagalog pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo dahil na-curious ako talaga. Andami nagsasabi na maganda daw at kaka-kilig ito, kaya eto naman ako, hinatak ko ang boypren kong manood kahit ayaw na ayaw nya sa mga ganito.

Pagkatapos namin manood, doon ko na-realize kung bakit ayaw na ayaw nga nya sa ganun. Pasensya na sa mga fans ng pelikulang ito, pero hindi ko talaga trip ang pelikulang You Changed My Life. Either napaka-korny talaga nito, or hindi lang talaga ako mushy na tao. Bibigyan ko kayo ng sampung dahilan kung bakit ayaw ko dito.
  1. OA to the mega super duper max ang character ni Sarah Geronimo. Actually, hindi ko kasi ma-distinguish kung si Sarah mismo yung OA or yung character nya eh. Pero hindi ko lang ma-sikmura.
  2. Nakaka-suka yung "Bebe Ko" ringtones nila. Jusko naman!!! Hindi ba nakaka-hiya ang ganito!?!
  3. Over-used ang pick-up lines. Grabeh... hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlong beses sila bumanat ng pick-up lines na antagal na umiikot sa internet!!! Sabi ni Manang, "pagod na yun sa kakatakbo sa isip mo." Anak ng!!!!
  4. The Breakdance. Dahil break pa sila, hindi daw titigil ng kaka-break dance si Sarah. WTF!!!
  5. Masyado na silang matanda para sa mga ka-kornihan nila. Isipin mo, nagtatrabaho na sila pareho pero para silang high school pag umasta sa relasyon? May ganun pa ba? Hirap paniwalaan.
  6. The 5-second kiss. Yeah right! Similar to #5, pareho na sila nagtatrabaho at mahigit isang taon na rin naging "sila" pero hanggang 5-seconds lang ang kiss na pwede!?! Ows??
  7. Walang kwenta yung character ni Rayver Cruz ba yun? Object of selos lang sya, at hanggang HD lang sya kay Sarah. Nakakainis kasi nadi-divert ang focus sa couple dahil may 3rd party (sya yun), kaso ang issue eh between the couple so parang nawalan sya ng kwenta. Although sinabing "dahil andito sya at ikaw wala," ang main issue pa rin is yung "ikaw wala." Kahit wala na yung "andito sya" andun pa rin yung issue e. Mas scene stealer pa nga si Manang Vida kesa kanya e.
  8. Masyadong predictable ang story. Alam mo na dahil sa new assignment in some far off place ni Miggy eh magkakaroon ng less time sya kay Laida. At alam mo rin na magseselos sya dun kay Mackoy. At lalo na yung scene na umiiyak si Laida sa mga balikat ni Mackoy, alam mo na makikita ni Miggy yun. Di ba?
  9. Ang korni talaga ng "crazy in love" act ni Laidaaaaaaaaaaaaaa!!! OAness na eh!! (Please refer to #1)
  10. Power Hug at Power Kiss. Ano yun!?! Pa-uso!?!?!?
Haynako. Sumakit ang dibdib ko sa panonood nito. Malamang pagmumurahin na ako ng Sarah-John Lloyd fans wahahaha! Come, bash me. Pero in-fairness, nakaka-aliw sya pang-short term. Yun lang, hindi ko lang talaga masikmura ang kakornihan nila.

10 comments:

  1. pero masaya naman di ba? super kababawan lang, really no need to think.

    at eto pa, pansinin mo ang shoes, never sya nagpalit!nung wedge na un forever ang suot nya!

    ReplyDelete
  2. HAHAHA!! Actually sasabihin ko sana yun Jessy kaso naisip ko baka masyado ko naman dini-detalye ang damit ni Sarah hahaha.

    ReplyDelete
  3. gusto din nila manuod ng mga friends ko nian, kso yoko tlga so we watch "the international" instead.. eh grabe nman, prang tumalino ako bigla.. aguy. *braindrain..

    ReplyDelete
  4. hi pats. i think malantaw na lang ko sang "you changed my life" para laugh trip na lang. hehe. nice review!

    ReplyDelete
  5. hahaha sige watch mo mitz! Partly laugh trip, partly ma-irritate/annoy ka hahaha.

    ReplyDelete
  6. napapamura din ako sa sinehan pag nag riring na yung mga phones nila. BEBE KO AMP!! pero natuwa ako. crush ko kasi si Sarah e. hahaha

    ReplyDelete
  7. sobra ka namang manlait ng movie. parang hindi ka pinoy, hehe! peace. pero sarah fan ako kaya natural lang na ipagtanggol. pero ok lang kasi hindi naman below the belt at personal ang review mo kundi about sa movie. everyone is entitled for his/her opinion kaya I respect yours but try to discern others' feeling and emotion. that's all.

    ReplyDelete
  8. nakakaaliw. hindi ko kasi iniexpect na matutuwa ako dun. kasi first time namin ng bf ko manood ng pinoy movie sa bigscreen. natutuwa lang ako sa pagiging consistent ng character nila from the first movie. korni pro nkakatuwa. hehe. kasi parang pinanood mo lang yung what-ifs mo sa first movie nila. pro i agree with the 5-second kiss. ok nga yung bebe ko eh! hehe. lalo kung yung bf ko yung mag-ringtone ng ganun. sweet un pra saken. ahehe. pro sana secret code nio nalang na dalawa pra hndi masyado obvious.

    ReplyDelete
  9. watch pinoy tv show replays here CLICK HERE

    or download our android application here Philipine TV Replays android app

    or download our apple application here Philipine TV Replays ios app

    HOW TO INSTALL PHILIPPINES TV ON IPHONE AND IPOD TOUCH? CLICK HERE

    or visit Android and Apple APPS

    LIKE US : Facebook

    ReplyDelete