Monday, March 16, 2009

Taxi Anti-Kupalness Moves

Sa dalas ng pag-sakay ko ng taxi, unti-unti kong na-classify ang mga uri ng taxi drivers na nakakausap at nakikilala ko sa bawat beses na sumasakay ako ng taxi. Merong mga stalker, songer, storyteller, makabayan, at yung mga madaldal na para bang wala nang bukas sa pagkwento. Pero meron din talagang sobrang kupalness to the maxness na mga drivers. At dahil sa kupalness nila, naka-develop rin ako ng anti-kupalness damubs para ma-kontra ang mga nakaka-irita at nakaka-inis na drivers na ito. Ang pinakamahalagang natutunan ko lang eh, huwag na huwag mo silang awayin. Kasi lalo ka nilang kukupalin. Dapat lagi cool ka lang, pero behind that coolness e dudugasin mo rin sila. Ishi-share ko ngayon sa inyo ang mga damubs kong ito.

1. Para sa mga taxi na namimili ng pasahero

Kadalasan, kapag pumapara tayo ng taxi at ayaw nila tayo isakay, ang ginagawa natin ay binabagsakan natin sila ng pinto sa sobrang galit. Pero pag binagsakan nyo ng pinto, ano ngayon? Isang malaking lagapak lang, at tapos na, hanap na sya ng bagong pasahero. Mas effective ang binigay na tip sa akin ni Almer. Kapag ayaw nila kayong isakay, huwag nyong sarhan ang pinto. Maglakad kayo na para bang wala lang sa inyo. Bakit? Hayaan nyo silang ma-hassle sa pagsara ng pinto. Mag-eeffort pa sila sa pagsara nito, at syempre, mababadtrip din sila. Nasa iyo ang huling halakhak.

2. Para sa mga taxi na masyadong mabilis ang metro
Napansin nyo ba yung ganun? Yung typical na travel nyo eh nasa Php60.00 lang, tas sa taxi na ito ay biglang naging Php100.00? Well, malamang yung metro ng taxi eh dinudugas na kayo dahil masyadong mabilis yung metro nila. Ano ba ang dapat gawin sa mga ganito? Kasi sa totoo lang, wala ka na magagawa eh, kasi metro yun, di mo pwede i-question kahit alam mong mali. May pangangatwiran sila lagi. Para sa mga ganito, magbayad ng sakto. As in down to the last sentimo. Kapag Php102.50 ang nakasulat, ganun lang ang ibayad nyo. Wag nyo na pasobrahan. Mas mainam kung Php100.00 na lang ang ibayad nyo, tas sabihin nyo wala talaga kayo barya. Dapat pa-awa effect kayo na "koyah wala na po ako barya eh." Malas mo nga lang kapag sinabi nilang meron silang barya.
3. Para sa mga taxi na nagpapadagdag
Itong mga driver na to, medyo tricky. Kailangan ng konting deskarte pag naka-hanap kayo ng ganito. Una, kapag sinabi nya na "dagdagan nyo na lang po kahit magkano" ayun! Kahit magkano di ba? So kahit piso pwede! Huwag kang mahiya, at dapat cool ka pag inabot mo ang bayad. Huwag mo na rin syang hintayin na bilangin pa ang perang binigay mo. Umalis ka na ASAP. Baka sagasaan ka pa nya. Meron naman nagsasabi na "dagdagan nyo na po wag lang po Php10.00" aba eh magsaya ka rin! Kasi wag daw 10, eh di pwede mo pa din bigyan ng piso. Syempre, pag inabot mo na ang bayad, alis ka na agad. Or pwede mo rin sabihin na wala ka na palang barya... Ang technique lang dito eh kelangan cool at convincing kayo. At pangatlo, medyo mahirap lusutan ito. Kapag sinabi ng driver na "Dagdagan nyo na lang po Php50.00" aba eh medyo kupalness to the maxness talaga di ba? Well, ang teknik ko dito, sinasabi ko lang na "OK." Pero pag bayaran na, bigla ko sasabihin na, "naku kuya wala pala ako barya eto lang... ." Minsan rin, kapag may dala akong inumin at nakasakay ako sa ganitong taxi, minamalas ako at natatapon lagi ang inumin sa loob ng taxi...
4. Para sa mga taxi na nagsasabing walang barya (at yung Php60.00 mo eh magiging Php100.00)
Aba aba, hindi pwede ito. Sobrang dugas ng taxi na ito. Ang maipapayo ko para hindi kayo madugas ng ganito ay magbaon lagi ng napakaraming barya. Dapat meron kayo lagi ng Php20, Php10, at Php5. Kasi kunwari, ang bill nyo eh Php60.00 at ang ini-abot nyo eh 100. Sinabi ni driver na wala sya barya. Tanungin nyo agad sya kung ano lang meron syang panukli. Kapag kunwari sinabi nyang Php50 lang meron sya, sabihin nyo agad na bibigyan nyo syang 10, para sa 50 na sukli (Note: kelangan pala medyo magaling rin kayo sa math at sa sukli sukli na ito). Ito lang ang tanging paraan para hindi kayo madugas sa mga "walang-barya-na-mga-driver."
5. Para sa mga killer taxi na para bang nakikipag-karera sa MRT
Wala kayo magagawa dito. Hang on to dear life lang.

No comments:

Post a Comment