Friday, March 20, 2009

Pa-Asa

Ewan ko kung dahil lang ito sa hormonal imbalance ko, pero ambilis bilis ko talaga ma-irita ngayong mga araw na ito. Lalo na ngayong last 2 days, sobrang kumukulo ang dugo at umiinit ang ulo ko sa mga taong kala ko eh maaasahan tas hindi naman pala.

Siguro may trauma lang ako sa mga pa-asa na yan. May kupal kasi na pina-asa lang ako ako sa pagmamahal at sa huli eh iniwan lang na dugu-an at durog-durog ang aking puso. Pakshet noh? Eww so baduy. Pero mula noon, kinasusuklaman ko na lahat ng mga pa-asa. Yung mga hindi tinutupad ang mga sinasabi. Yung paniniwalaang gagawin niya pero sa huling huli, hindi naman pala. Demn.

Sana naman panindigan nyo mga sinasabi nyo. Ang usapan, usapan. Unless may life and death situation na hindi na pwedeng magawan ng paraan, eh di fine, wala ako magagawa. Pero yung mga inconsistent na palusot at mga napaka senseless na dahilan, mahiya naman kayo ng konti. Ika nga, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Sa huli, wag na lang kayo mag-commit kung di naman pala kaya panindigan. Okay? Pakshet e.

No comments:

Post a Comment