Thursday, March 12, 2009

Paano mag react sa mga trashtalk sa DoTA?

Ito ay galing na naman sa ating friendly neighborhood superhero na si Boy_B*ates. Enjoy!!!

Ito ang mga tips galing sa bopols mag dota kagaya ko kung paano mag react sa mga trashtalk ng kakampi o kalaban.

1. Makipag Murahan

Pag minura ka o sinabi sayong bobo ka o tanga, murahin mo din! Hindi ka nila pinapakain para sabihan ng ganito. Kadalasan ito ang nakikita nating nangyayari sa Allies o All chat. Wala ng bago sa style na to.

2. Tanggapin ang pagkakamali at mag sorry

Kung mahaba ang pasensya mo at alam mo namang mali ka, mag sorry ka nalang. Kahit minura ka pa. Kapayapaan ang daan para sa tagumpay.

3. Tanggapin ang pagkakamali, manahimik at damdamin

Dedmahin mo kung ano man ang sabihin sayo. Alam mo na ngang may katangahan ka o may kabobohan ka, tumahimik ka nalang at mag farm nalang. Pero mabigat sa kalooban dalhin to dahil hindi mo nailalabas ang saloobin mo.

4. Tanggapin ang pagkakamali, manahimik at mag quit

Eto ang kadalasan nating nakikita sa pub game na pag na first blood eh wala ka ng maririnig kundi mababasa nalang na nag quit na sya. Madalas mo ring makikita na nakaflood sa chat ang mga salitang. AW AW AW AW AW AW AW RM RM RMK RMK TULOY?????

5. Tanggapin ang pagkakamali, makipag murahan at mag quit

Mas aggressive version ng number 4.

6. Makipag dramahan

Eto ang pinakamatindi at hango sa tunay na nangyari kagabi.

Nag quit ang isa sa kalaban at tama bang i-switch ako sa kalaban?

Dahil hindi ko alam kung anong ginagawa ng -switch, eh mag -ok lang daw ako kaya ginawa ko!!! aba nung pag -ok ko nagising nalang ako na nalipat ako sa scourge, at ang mga dating kong kampi na sinasabihan akong TANGA ay mga kalaban ko na!

Napakasaklap ng nangyari ito saakin kaya nag quit nalang ako ng walang pasabi. At eto ang nangyari nung next game.

Boy_B*te: KELANGAN BANG ISWITCH NYOKO??
Boy_B*te: KUNG AYAW NYO AKO KAKAMPI SABIHIN NYO LANG. HINDI UNG MAY PASWITCH SWITCH PA
Boy_B*te: DI NALANG AKO SASALI KUNG AYAW NYO AKO KAKAMPI
Boy_B*te: NAG AARAL NAMAN AKO MABUTI MAG DOTA

Aba nung pagkatapos kong sabihin to eh panay na ang paliwanag at Buzz!! ng kakampi ko sa YM at sinali naman nila ako na hindi na ako pinapakialaman.

Ayus BA? HAHAHA

11 comments:

  1. @BOY_BATE: di ka nagiisa pre sa amin sa buddies ganyan din feeling ko. Kahit makita ko si Black Adam or Eyeball sa room deadma ako di ako reply sa PM. Siguro im not that good at DOTA for them. Anyway buti na lang may Lestat at Mk73mhz at Bind at Eldrin pa nman na magsasali sa akin sa game nila.... Madalas nga rin pala ako gusto iswitch kase noobs ko daw.....

    ReplyDelete
  2. Salamat sa pagliham mo sa post ko. Ang maipapayo ko lamang is enjoy playing dota! Kahit hindi tayo magaling ang importante kasali tayo sa ASSISTS. Dun palang maging masaya na tayo. Dahil kahit papano may silbi parin tayo. Walang thrill ang laro kung walang kagaya naten!

    ReplyDelete
  3. parang column lang sa tabloid e ahahaha

    ReplyDelete
  4. LOL wala namang issue kung noobs ka eh kasi lahat dumaan dun. Pero aaminin ko nakaka-irita yung mga mayayabang pero pagkain sa kalaban tapos sugud nang sugod mag-isa kala mo naman magaling hahaha.

    ReplyDelete
  5. ahhh mayabang na food ba kamo? *ahem* *Impulze* *ahem*

    ReplyDelete
  6. I dont know IMPULZE that much pero sa paningin nang iba sya ata yun.....alam ko kase sa pangunguna sa sobrang KAYABANGAN number one yan. hehehehe! noobs nman sa mga heroes na may "SPIRIT sa names!"

    ReplyDelete
  7. ahhh sa tingin ko naman, talbog si Impulze kay choy pag payabangan ang labanan.

    pero in fairness, napapanindigan naman nila yung yabang nila. mas malupet kung hanggang salita lang yung yabang...

    ReplyDelete
  8. oo nga mahirap nga yun patsilog! ako kase atleast aaminin ko lahat nang stupidity ko na record mo na ata and aminado ako dun.... basta atleast alam ko na yung river!

    sya nga pala gusto ko lang I-Highlight yung latest na idol ko sa gabi gabi nating GG at Dota sesions


    On Agi Heroes: idol ko si impulze,lestat.dg
    On Int Heroes: idol ko si jokisan,destiny
    On Str/Aggre : idol ko si mk73mhz,impulze

    Number one fan ako ni : bind21 at destiny....

    balang araw mararating ko rin ang level nyo.... hehehe kugn abot pa buhay ko dun hahaha!

    PS: Si jgard idol ko rin pala mag mirana and si Eyeball walang tatalo sa kanya sa pag support heroes idol ko rin yan..

    ReplyDelete
  9. eh ako hindi mo idol? ahahaha

    ReplyDelete
  10. HAHAHA ang lalayo na ng comments sa blog entry.

    ReplyDelete