Tuesday, March 24, 2009

Dota At Panliligaw

Ang panliligaw, parang Dota lang yan.
Kung hindi ka sure sa babaeng liligawan mo, pwede ka mag repick. Yun lang, wag ka na mag -random kasi baka pagsisihan mo kung sinu-sinong babae lang mapupunta sa yo. Sa huli e puro ka repick, maubusan ka pa ng pera hanggang sa hindi ka na pwede mag repick.

Kung ayaw magpa-huli ng babae, stun o slow mo muna. Tapos habulin mo sya at dun ka na magsimulang magpa-ulan ng skills mo sa pick-up lines.

Kung wala kang pang-date, farm ka lang muna. Magpayaman ka muna hanggang sa maka-bili ka na ng ring of health. Kailangan mo ng regen sa panliligaw kasi hindi madaling pasagutin ang babae.

Kung wala kang karibal, push lang ng push. Hanggang sa mabasag ang tatlong layers ng tore at maabot mo na ang Frozen Throne / Tree of Life.

Kung meron ka namang karibal, back muna. Heal at regen bago lumaban ulet. Mas mabuti rin kung i-deny mo ang iyong karibal para wala syang mabasag na tore.

Kapag minahal ka na nya, mag-Roshan ka muna para hindi mawala ang pag-ibig nya kahit na ma-deds ka pa.

Kapag binasted ka, RMK na lang.
- Salamat kay Boy_Bates sa pag-text sakin nito. Dinagdagan ko lang hehe.

1 comment: