Monday, March 2, 2009

Ang Alamat kung Bakit Sinungaling ang Mga Lalake

Nakuha ko ito sa Email na galing sa aking kumpare na si Julius. Enjoy!
Ito nga ba ang alamat kung bakit nagsisinungaling ang mga lalaki...?

Karpintero itong si Pedro at isang araw eh gumagawa siya ng isang bahay sa tabi ng ilog. Sa lakas ng pagmamartilyo niya eh nalaglag ang martilyo niya sa ilog. Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya, "Tutulungan kita, Pedro" Sabay lundag sa ilog.

Lumabas ito na me hawak na gold hammer,"Ito ba ang martilyo mo?"... "Hindi po."
Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer, "Ito ba?" "Hindi po."
Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer, "Ito ba?" "Opo!"

Natuwa ang anghel.

"Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa 'yo na rin ang gold and silver hammer! "Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Pedro sa ilog at kasama ang misis niya. Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog. Iyak si Pedro.

Litaw si guardian angel. "Tutulungan kita."

Sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama si Diana Zubiri. "Ito ba ang misis mo?" Sagot si Pedro, "Opo!"

Nagalit si anghel, "Sinungaling ka. Akala ko pa naman eh mabait ka."

Nag-reason-out si Pedro, "Sorry po, angel... kasi kapag sinabi kong 'Hindi', eh lulundag ka uli sa tubig at paglitaw mo eh kasama mo si Katrina Halili. At kapag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang tunay na misis ko na ang kasama mo. At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Diana at Katrina. Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Yes' na lang ang sinagot ko nung una."

MORAL OF THE STORY:
Kaya lang naman nagsisinungaling ang mga lalaki eh for a good and noble reason.

No comments:

Post a Comment