Friday, March 6, 2009

20 Reasons Why Dota is Better Than RO

Last week, nagpost ako ng 25 Reasons Why RO is better than Dota (na nakuha ko kay Boy B*tes). Ngayong linggo, nakapag-isip ako at naka-buo naman ng 20 Reasons why Dota is better than RO. Wala na ako maisip eh, hanggang 20 lang. Hehehe. Baka naman may suggestion kayo, paki-comment na lang or paki-lagay sa shoutbox. Tenks!!!
  1. Sa RO, kelangan mo pa mag-load. Sa dota, as long as may internet connection ka, good to go.

  2. Sa RO, kapag nagkamali ka ng build ng char mo, gawa ka ulet ng bago o kaya magbayad ng pagkamahal mahal para sa stat reset. Sa dota, pwde mo iba-ibahin build mo sa bawat game.

  3. Sa RO, maraming scammers. Sa dota, walang hanapbuhay ang mga scammers.

  4. Pag nakapatay ka sa RO sa PVP, wala lang. Sa dota, naka-announce na nakapatay ka at kung sino napatay mo.

  5. Kapag marami ka nang napatay sa RO, wala lang. Pero pag marami ka nang napatay sa Dota, may titulo kang Beyond Godlike.

  6. Pag namamatay ka sa RO, nawawalan ka ng EXP. Sa dota, kahit ilang beses ka pang mamatay, di nababawasan Exp mo.

  7. Sa RO, katakut-takot ang ma-hack. Sa dota, walang maha-hack sa yo dahil ang mga gamit mo ay mawawala rin pagkatapos ng isang laro.

  8. Natutunan ko sa RO magsinungaling at manggamit para sa headgears at zeny. Sa dota, bawat butil ng gold pinaghirapan.

  9. Ang RO nakakasira ng relasyon. Mas maraming malandi, at mas madaling maglandi sa Ro kaysa Dota.

  10. Madali lang bumuo ng godlike items sa dota. Bilhin mo lang yung ingredients at recipe. Sa RO, katakot-takot na quest ang kailangan mong pagdaanan.

  11. Sa RO, kelangan mo pag-aralan ang economy para makabenta ka at kumita. Sa dota, wala nang economy. Laban lang ang iisipin mo.

  12. Mas maraming hotkeys (a.k.a. Panic Keys) sa RO. Biruin mo, 36 keys lahat yun pag BM. Sa dota, 4 lang para sa skills at 6 para sa inventory.

  13. Sa Dota, lahat ng skills mo mama-max mo. Sa Ro, kapag mali yung na-max mo na skills, patay kang bata ka. Banu build agad.

  14. Sa RO, kapag hindi ka nakapag siege, wala kang sweldo at supplies. Sa dota, wala kang iisiping sweldo at supplies.

  15. Napakaraming maps ang mundo ng Midgard sa RO. Nakakalito ito at kailangan mo pa itong tandaan. Sa Dota, iisa lang ang mapa kaya mas mabilis itong matandaan.

  16. Sa Ro kailangan matuto kang mag-configure ng bot. Sa dota di mo na kelangan ang ganun.

  17. Sa Dota pag napatay mo si Roshan, siguradong may Aegis of the Immortal ka at keso. Pero sa RO pag napatay mo si Turtle General, minsan Trunk lang ibibigay sa yo.

  18. Sa Dota pwede ka maging Dominating, Unstoppable, Wicked Sick, Godlike, Beyond Godlike. Sa RO, wala lang, SinX or HP or Alche ka lang.

  19. Sa Ro, ilang beses mo pa kelangan basagin ang emperium para mapa-sayo. Sa dota, ONE BIG FIGHT. Pag wala na yung Frozen Throne o Tree of Life, tapos ang laban.

  20. Sa Ro, natatakot sa mga chixilog. Sa dota, wala ka pakialam sa chixilog dahil papatayin mo rin lang naman yan.

No comments:

Post a Comment