Tuesday, February 24, 2009

My Circle of Dota Friends

Dati nag-post ako dito tungkol sa Psychology of Dota na nakuha ko galing sa isang forum. Maraming nakasulat doon na klase ng players na makikita mo sa Dota. Kaso sa tingin ko, may kulang pa din eh. Sa tuwing naglalaro ako, may mga nakakasama akong unti-unti ay nakikilala ko ang playing styles nila. Hayaan nyo po akong ikwento sa inyo kung anu-anong klaseng players ang mga nakakasama ko tuwing gabi.

Jungle Boys. Sila yung pag nagsama-sama, wala pang 10 minutes ay basag na lahat ng outer layers ng towers nila. Bakit? Kasi lahat sila nasa gubat nagfa-farm ng neutrals. Wala nang nagla-lane sa kanila kasi nag-aagawan sila dun sa gubat. At kapag may clash na, minsan di nila pinapansin kasi busy pa sila sa kaka-farm. Sabi nga ni Yubs, dapat may isang map si IceFrog na ginawa na puro lahat neutrals para sa mga players na to. Examples nito sila: jasonsantos0318, number47, eyeball123, Batman_33 at minsan si schutzstaffel (bakit lahat sila may numbers sa dulo?)

Panickers. Kapag may nakakasalubong silang enemy hero, o minsan sa clash, labas agad lahat ng skill sa sobrang panic. Sila yung tipong minsan hindi na nag-iisip kung ano deskarte, kasi nauunahan na ng kaba nila. Isa ako dito, at si jokisan din. Tulad kagabi, nagkasalubong kami sa isang lane. Ako si Traxex, at sya si Pudge. Sa sobrang panic namin, nag-habulan kami sa gubat. Nung huli, naisipan nya rin mag Rot, at naisipan ko rin mag Frost Arrows. Pero wala, pareho kami tumakbo. Anlabo!

The Immortal. Sila yung kala mo walang katapusan ang buhay. Kahit lima yung kalaban, sugod pa rin ng sugod. Bakit? Eh dalawa na yung Vanguard eh! Kahit sinasabi na ng mga kasama nya na "WAIT LANG" eh itong si koya sugod pa rin! Kala mo hindi namamatay. Minsan pag masyadong marami ang disablers, si koya ang unang natitigok. Isa lang ang taong kilala kong ganito. Si mk73mhz. Lalo na kung gamit nya si Axe. Pero kahit Kardel o Techies gamit nya, "Geronimo!!"

Narcissist. A.k.a. Mahal masyado ang sarili. Sila yung mga players na gusto na lahat ng team members ay susuporta sa kanya. Sya lang ang dapat makaka-patay. Sya lang ang dapat na lalakas. Sya lang ang dapat na magka-gamit. At laging hindi nya kasalanan kapag namamatay sya. Bakit? Kasi hindi mo sya sinuportahan! May kilala ba kayong ganito? *Ubo* *Ahem* *Lestat.DG* *Ubo* *ubo*. Bwahahahaha!!!

Hyper. Pag naglaro na tong players na to, para bang walang katapusang ka-aggrehan at pag-GB. Sila yung mga sneaky, slimy, at higit sa lahat, mga KS! Sila ang usually nasa mid na lane, at kapag natyempuhang nakakuha sila ng power ups, aba eh mag-sneak attack na yan sa either top or bottom lane. Kaya kapag nawawala na sila, kelangan i-alert agad ang mga team mates kasi siguradong may mamamatay. At kapag nagka-clash na, sila ang unang-unang papatay. Maghahabol sila hanggang sa dulo ng mundo para mapatay ang mga players na may namumulang buhay. Paborito nilang heroes ay sina Mirana, Akasha, at Tinker. Mga hyper na kilala ko sila Impulze, -destiny- (a.k.a. TheOs|zpla), at akocjgard.

Marami pang klaseng players sa circle of dota friends ko. Kaso hindi ko lang ma-organize pa dahil ako'y magtatrabaho muna. Sana lang pag nabasa nila ito, di nila ako i-kill...

No comments:

Post a Comment