Thursday, February 26, 2009

My Circle of Dota Friends II

Nag-pramis ako na dadagdagan ko ang mga categories sa My Circle of Dota Friends, kaya tutuparin ko ito ngayon. Medyo maluwag kasi sa trabaho, at todo laro kasi nung isang gabi kaya nakapag-isip na naman ako. At oo nga pala, ni-kill nila ako sa mga laro na yun. =(

Schizos. Sila yung may dual personalities pag nagdodota. May mga laro na para bang lahat ng kagalingan sa mundo eh nakuha nila dahil beyond godlike na sila. Pero minsan naman, para bang pinanganak sila na kasama ang lahat ng kabobohan sa mundo. Ang nakakatakot dito, napaka-unpredictable kung kelan sila nasa State of Self Actualization (pinnacle of hardwork, pinnacle of wisdom, at pinnacle of perfection -- from The Prince of Tennis), at kung kelan sila nasa Pit of Noobility. Si bambi- ata schizo eh. Si marcmiranda rin minsan.

Child Abusers. Dahil alam nilang may kalaro silang BATA (meaning, baguhan pa lang sa dota at halos wala talagang alam), alam na nila kung sino ang peperahan. Wala na sila ibang ginawa kundi mag-abang kung saan yung lane ng bata at dun sila mag-oowning. Naalala ko dati si Mega.Rock, nung may nakalaro kaming bago (si pacman23). Sakto Spectre gamit nya. Pag kalahati na yung buhay nung bata, haunt agad sya dun at auto-kill. Tsk, abuso! Kaya siguro hindi na nagdota ulet si pacman23...

Mga Asin. Kapag nilagyan mo ng asin ang sugat, di ba mas masakit?. Sila yung mga players na napakahilig mangsupalpal ng mga 'injured' na kalaban. Kunwari, sa game may atat na nag-fflood ng "game na koya." Babanat sila ng "gawa ka ng game mo kung atat ka." O di ba, pinapaghintay ka na nga sa laro, binara ka pa! Tapos pag naglalaro naman, kunwari muntik mo na sya mapatay tapos napatay ka pa nya, babanat sya ng "ang tanga mo kasi." Masakit na nga yung mamatay ka, dinikdikan pa ng asin at pinamukha talaga sa yong bobo ka. Numero Unong asin si Black Adam. Sumunod si Anarbor.

Construction Workers. Ano ba specialty ng mga construction workers? Eh di tagabuhat! Etong mga to tahimik lang pero sa mga anino nila sinusuportahan ang mga Panickers, Narcissists, at Hypers. Early game hindi mo sila masyadong mararamdaman pero pag lumampas na ng trenta minutos, mapapa-WTFOMG ka na lang na mataas na level nila at naka-buo na sila ng items. Nabibilang sa ganito sila ios101, akocjason, at bind21.

Magnanakaw.
Aagawin nila ang pera mo dahil sila ang papatay sa mga hero na pinaghirapan mo. KS Mastery = Level 100. Lahat ng nasa Circle of Friends ko ay magnanakaw. Yung mga Hyper lang talaga yung kayang magbigay ng 120% ng kapangyarihan nila sa pag KS.

Naku sana ulet wag nila ako i-kill...

No comments:

Post a Comment