Monday, February 9, 2009

Masakit...

Dahil malapit na ang araw ng mga puso, ano ba ang laman ng utak ng mga tao? Syempre pag-ibig (ewan ko na lang sa iba). At dahil malapit na nga ang Feb 14, trip ko lang magsulat ng tungkol sa paborito nating L word... LOVE hehehe.

Ito daw ang sampu sa mga pinaka-masakit na pwedeng mangyari sa yo:
1. Bringing back the feeling you’ve learned to forget. Onga naman, hirap na hirap ka na nga kalimutan tas eto na naman yang feelings na yan. Kaso tanga ka rin naman eh, kinalimutan mo na nga, bat mo pa binabalik-balikan. Unless of course hindi mo ito sinasadya.

2. Reminiscing the good times. Lalo na kung breakness na kayo. Syet, loser mode mag-isang naka-dungaw sa bintana at umiinom ng alak. Inaalala yung mga oras na naghahabulan kayo sa beach... Syet *luha singhot*

3. Trying to hide what you really feel. Mahal mo sya, pero di nya alam. Mahal mo sya pero may iba na syang mahal. Mahal mo sya pero hindi pwede. Hanggang pagtingin ka na lang kasi alam mo na kapag sinabi mo ito sa kanya, magbabago ang lahat. Kadalasan, for the worst pa ang pagbabago.

4. Loving someone who loves another. Saklap nito. Try mo kaya magmahal rin ng iba? Di lang naman sya ang babae/lalaki sa mundo. Haller.

5. Having a commitment with someone that you know wouldn't last. Eh tanga ka naman pala eh. Alam mong hindi magla-last, commit ka pa rin ng commit. Pero sa totoo lang, mali ang mentality na ito eh. Pag nag-commit ka na, hindi mo dapat iniisip na "hindi ito maglalast." Ang dapat na iniisip mo eh "gagawin ko ang lahat para mag-last ito kasi mahal ko sya at masaya ako sa kanya." Ay charing!

6. Shielding your heart to love somebody. At bakit naman, ayaw mo bang ma-inlab? Sa tingin ko, nagiging masakit ang ganito kasi nagpapaka-plastik ka pa sa sarili mo eh. Kung mahal mo, eh di go! Hindi yung parang hipokrito ka at pilit na idine-deny yang nararamdaman mo. Unless of course yung sitwasyon mo eh parang #3 or #4.

7. Loving a person too much. Ano ba ang masakit dito? Masakit lang to pag masyado mong mahal ang isang tao na hindi naman pala deserving ng pagmamahal mo.

8. Right love at the wrong time. Wow, classic na kanta!! Parang #3 at #4 rin ata to eh.

9. Taking the risk to fall in love again. Hindi masakit ito. Nakakatakot ito. Ang pagka-takot na ito ang magpapabaliw sa yo.

10. Bihis na bihis ka tapos hindi ka pala kasama. Pakshet sayang naman japorms!
O ano, nag emote na ba kayo? Hehehehe. Advance Happy Balentayns day!!

1 comment:

  1. grabe, sakit talaga nung #10!(once, lang naman nangyri skin un..hehe)truly a pakshet moment..haha

    ReplyDelete