Thursday, February 5, 2009

Mamatay ka na Magnanakaw!

Napakamalas ko talagang babae.

Nung isang buwan, nawalan ako ng bracelet. Binigyan kasi ako ni Jason ng bracelet nung pasko na parang metallic at may nakalagay na "PATS" dun sa bracelet na yun. Natuwa pa ako sa Xmas gift na yun kasi personalized. Obviously, para sakin yun kasi may pangalan ko. Yun nga lang, masyadong maluwag kaya hindi ko masuot. So ang ginawa ko na lang, ipinatong ko ito sa ulo ng stuffed toy na binigay naman sakin ni Mary Rose. Parang korona na bronze.

Pero isang araw, pagpasok ko sa opis, napansin ko na lang ang gulo gulo ng desk ko. Yung mga penholder ko hindi na naka-hilera gaya nung pag ayos nung nakaraang araw. Tas dun ko napansin na nawawala yung mahiwagang bracelet na yun. Tae talaga. Ang OA naman ng magnanakaw na to, magnanakaw na lang, yung may pangalan ko pa. Unless PATS din yung pangalan nya. Halata namang hindi 24karat gold yun. Sa isip ko ang tanga naman nung magnanakaw. Pero na-depress pa din ako nun at nahiya kay Jason kasi syempre bigay nya yun tas di ko naalagan. Taeness.

Kaninang umaga naman pagpasok ko, sira-sira na naman ang arrangement ng gamits ko sa desk ko. At guess what. Nawala naman yung Parker pen ko!!! TAENESS!! Bigay naman sakin ni Tito Rouel yun nung nakaraang taon!! WTF talaga. Hindi talaga tumigil tong magnanakaw na to kahit nag-post na ako sa whiteboard ko ng "MAMATAY KA NA MAGNANAKAW." Apparently, type pa rin nya dumekwat ng bagay-bagay sa desk ko. Leche. Bwiset. Pakshet.

Bat ako lang pinupuntirya nitong ungas na to!?! May HD ba to sakin? Stalker ba to? O klepto lang talaga? Bat yung iba wala naman nawawala sa kanila? Bat ako lang??? At bat yung mga binibigay sa akin, yun pa ang mga ninanakaw??? Napaka TANGing INA mo talaga magnanakaw ka!!!

4 comments:

  1. possible din na kaya niya ginagawa yan eh kasi galit siya sayo? Why not talking to security baka magkaroon kayo ng entrapment operation or similar. The only thing for you to do now is keep all your stuff away muna

    ReplyDelete
  2. Oo nga..maybe you pissed someone off..I can't imagine that though unless nagbago ka na since I last saw you :P

    Hidden webcam ata sagot dyan

    ReplyDelete
  3. baka webcam naman isunod..nyahaha loko un ah!

    ReplyDelete
  4. Naku meron may galit sakin? Ang lungkot naman nun =( Ni-report ko na sa guard pero wala din daw sila magawa kasi hindi ko ma-specify what time nawala (hello, as if malalaman ko yun)

    Inisip ko nga rin lagyan ng webcam pero baka nga yun naman sunod na dekwatin kaya wag na lang hahaha.

    ReplyDelete