Friday, February 13, 2009

Friday the 13th

Naalala nyo pa ba yung mga horror films nung 1980's - 1990's tungkol sa isang killer na ayaw mamatay-matay? Oo, si Jason. Yung may hockey mask at naka-13 movies na ata tungkol sa kanya eh buhay pa rin sya. Tapos meron sya axe na ginagamit nya para pumatay ng mga tao.

Nung bata ako takot na takot ako pag yung Friday eh 13 ang petsa. Baka kasi lumabas talaga si Jason (oo, uto-uto ako talaga). Pero ngayon, alam kong kathang-isip lang yang Jason na yan, pero isa sa mga nakakatakot naman eh yung paniniwala eh MALAS daw pag Friday the 13th.

So, malas nga ba? Tingnan natin.

1. Late ako nagising dahil hindi ako makatulog ng maayos. Stuck ako sa Level 30 ng Mafa Queen TD 4.5 UH+. Di ko matanggap. My gosh.

2. Pag gising ko, ang unang damit na nakita ko yun na sinuot ko (kasi nga nagmamadali na ako). It just so happens na color REDness ang kulay (with stripes nga lang). At pag-sakay ko ng MRT, blending with the crowd ako. Pula ata ang kulay ng bayan ngayon. Siguro in anticipation sa Balentayns bukas. Pakshet ang jologs ko. Parang feel na feel ko tuloy yung valentines dahil nakiki-pula rin ako. Late lang po!!!

3. Na-postpone ang meeting ko kaninang umaga. Kaya nga ako nagmadali at nagbihis ng pula na hindi sinasadya para hindi ako ma-late sa meeting. Tapos postponed din pala. Demmet.

4. Masakit ang ulo ko. Dahil kulang sa tulog at nagmamadali, ang sakit ng ulo ko. Anu ba yan.

5. Wala pa rin akong regalo para sa antipatiko kong boypren. Well, it's not as if required ako na bilhan sya. Wala lang, makiki-sakay lang ako sa mushiness ng mga tao sa mundo kahit magmukha pa akong jologs. Pero most probably di na ako bibili, di naman ako mushy person eh so understood na yun hehe.

Eksaktong Alas-Onse Veinte-Quatro pa lang ngayon, pero ang kamalasan ko umabot na sa lima. Napipilitan na talaga ako maniwala na malas ang Friday the 13th.

No comments:

Post a Comment