Monday, February 16, 2009

First Impressions

Ang hirap talaga pag tumatak na sa isip mo yung "first impressions." Nagkakaroon ka kasi ng biases sa isang tao at hindi mo na nakikita ang tunay nyang pagkatao dahil masyado na itong na-oovershadow ng unang impression mo sa kanya. Kaya nga siguro sinabi nila yung "First Impressions Last" kasi kung ano ang una mong tingin sa isang tao, ganun na sya habang buhay sa paningin mo.

Hindi ko sinasabi na sa lahat ng bagay ay ganito ang nangyayari. Minsan, first impression mo sa isang tao eh mataray, pero pag nakilala mo na talaga, malalaman mong mabait pala sya talaga. Kapag nakikilala mo na yung isang tao, ang "first impressions" mo ay unti-unting nababawasan at napapalitan ng "real impressions" -- kung ano talaga ang nakikita mo sa kanya.

Pero minsan, minsan talaga. Dahil sa sobrang kupal ang first impression ng isang tao sa yo, wala ka na balak pa na kilalanin sya. Ang tindi ng ginawang impression sa yo, yung tipong tinamaan ka ng malakas na hangin at konti na lang eh liliparin ka na. Yung first impression mo sa taong ganito eh masamang tao, kaya don't know, don't care ka na kung ano pa ang pagka-tao nya. At kahit ano pa ang gawin nyang pagpapa-cute sa yo, wa-epek talaga kasi nga kupal na sya sa mga mata mo.

Ang malas naman nitong isa kong nakilala. Kupal tingin ko sa kanya e. Mahangin, mayabang, at feeling. Ewan ko lang kung magbabago pa to. Kasi ayoko na sya kilalanin eh. Baka masampal ko lang. Pano nga ba baguhin ang 'first impression' sa ganitong klaseng mga tao?

2 comments:

  1. si J ba yan, aka SM?? hmmm....

    ReplyDelete
  2. sino yan? Haha. hindi, no one "knows" this person other than me =P

    ReplyDelete