Wednesday, February 25, 2009

Earthquake

Dahil hindi ko na maalala yung password ng luma kong blog (pakshet talaga!!!), naisipan kong ilagay na lang dito ang mga contents dun. Ang luma kong blog ay tungkol sa drink mixes. Gumawa ako ng bagong label para mas madaling mahanap ang mga ito.

At di ba, pag pakshet happens sa buhay natin, ang bespren natin ay alak? Kaya eto, mag-enjoy kayo sa mga na-diskubre kong mixes galing sa mga kaybigan ko!


Una sa lahat, ang EARTHQUAKE:

Natutunan ko tong inumin na to sa mga kebigan kong sina Yuber at Dehk. Ang tawag sa inumin na ito ay Earthquake: lasang iced tea at hindi mo mararamdaman ang tama, unless na tumayo ka. Example - si Dyelo daw dati sarap na sarap dito, nakarami ng inom at tila hindi nararamdaman ang tama. Pero pagtayo nya, parang may earthquake, nahilo sya agad.

Ang mga sangkap sa inuming ito:
  • 1/2 Long Neck na Emperador (or 1 lapad kung medyo matapang gusto nyo)
  • 1 stallion-size na Red Horse
  • 1/2 Litro ng Sprite
Mix sa isang malaking pitsel.

Masarap na inumin para sa mga nagtitipid at sa mga maaarteng ayaw ng lasa ng alkohol (sus mga hipokrito eh di wag na lang kayo uminom!!!).

No comments:

Post a Comment