Wednesday, February 11, 2009

Anti-Valentines

Panahon na naman ng Pag-ibig! Pagsapit ng buwan ng Pebrero, lahat ng tao nagiging lovey-dovey at napapa-smile na para bang baliw na para bang tinamaan ni kupido. Bakit? Eh Valentines eh! It's the season of love, the season to love, and the season to be loved!

Sori pero hindi ako naniniwala sa Valentines day. Cynical na kung cynical pero sa tingin ko kasi isang malaking media hype lang ang araw na ito. Tiyak na bebenta ang mga hotels at motels, ang mga restaurants, ang mga parks, ang mga jewelry at flower shops, ang mga grocery stores, ang mga ice cream, chocolate at candy stores, at kung anu-ano pa. Masyado nilang pinapa-laki ang isyu ng balentayns kasi ito ay marketing strategy nila para mapabili ang mga tao.

At isa pa, itong season lang ba dapat magmahalan? Di ba dapat araw-araw yun? Andyan ang pamilya, boypren/gelpren, mga kaibigan para maibahagi ang pagmamahal mo. Araw-araw nakakapiling mo sila, hindi lang tuwing Valentines. So bakit napaka-espesyal ng araw na to? Sabi ko nga, media hype.

Ubos rin pera mo sa mga panahong ito. Lalo na kung ikaw ang lalaki at ikaw yung tipong hilig magpa-kyut sa babaeng trip mo. Kasi bibili ka ng tsokolate, teddy bear, mga rosas (na sa tingin ko ay HINDI MAKATARUNGAN ang presyo!!!), pagkain, at regalo. Pag ikaw naman ang babae, hanep haba ng hair mo. Binabaha ka ng regalo! ENjoy it while it lasts kasi hanggang valentines lang yan. Pag ordinaryong araw, wala na rin yan kasi ubos na pera ng mga lalaki mo.

Pag Valentines din, parang KAILANGAN lahat ng tao inlab. Bakit? Eh kasi "i don't want to spend valentines day alone." WTF naman, men. What a pathetic excuse to disguise your pathetic life. Masama na ba ang nag-iisa? Wala ka bang kaibigan at pamilya? At ang pag-iisa ay hindi ibig sabihin na wala kang kwenta. Pwede ring hindi mo pa nahahanap yung taong magpapaligaya sa yo. Or baka naman masyado mong pini-pity yang sarili mo kaya olats ka sa tingin ng ibang tao. May golay, gising naman mga frends. Masaya ma-inlab. Pero hindi lang naman yun ang makakapag-pasaya sa atin.

Higit sa lahat, ang pinaka-ayaw ko sa Valentines eh NAAAPAAAKAAA-raming tao!!! Sa mga malls, restaurants, hotels, kung saan-saan pa. Pakshet, parang bumabaha ng HHWW-PSSP (holding hands while walking - pa-sway sway pa). Nakaka-hilo at nakaka-suka. Ano ba, makikipag-date ka na nga lang, nakikisabay ka pa sa lahat ng tao?? Pano naging espesyal yun kung lahat na lang ng tao ay nagce-celebrate din? Again, media hype.

Bottom line is, ayoko sa Valentines. Isa itong malaking media hype kung saan ang mga inlab ay lalong mas nagiging inlab, at yung mga single ay mas lalong nagiging miserable.

P.S. Kung magsalita ako para akong bitter na single no? Haha.

No comments:

Post a Comment