Friday, February 27, 2009

25 Reasons Why RO is Better Than Dota

Ang 1-22 po ay galing kay Boy_Bates. Dinagdagan ko na lang para sakto 25 hehehehe. Para sa mga hindi nakaka-alam, ang RO ay Ragnarok Online. Nakaka-adik na MMORPG na sumikat mga 5 years ago ata? Basta yun.

  1. Sa RO, pwede kang mamalimos (Kalabit penge, kuya engeng zenny). Sa Dota Kelangan mong i-farm ang pera mo.

  2. In reference to number 1, sa RO basta mapatay mo ang kalaban may loot. Sa DoTa, kelangan last hitin mo pa.

  3. Sa RO, XP ang nawawala pag napatay ka. Sa DoTA, pag namatay ka. pera at morale (Banatan ka pa ng tanga ng kalaban/kakampi mo.)

  4. Sa RO, QUANTITY OVER QUALITY. Nakakita ka na ba ng buong server sinugod ang isang buong agit? (Hindi counted ang lag kaya hindi mabasag.) Sa DoTA, patas ang labanan. walang 56 vs 5. (Please refer to number 15.)

  5. Sa RO, pag tamad ka, pwede kang mag clown at gypsy, mag ensemble at mag AFK. Sa DoTA, pag nag AFK ka, tadtad ka ng mura ng kakampi mo.

  6. Sa RO, pag nagkagamit ka, sayo na yan habang buhay (Wag ka lang mahack). Sa DoTa, pagkatapos mong paghirapang iFARM, wala na yan makalipas ang isang oras.

  7. Sa RO, makakapag stun ka basta nasa screen mo (Gypsy). At marereduce ng vit. Sa Dota, pag nastun ka, most likely kabaong na ang kasunod.

  8. Sa RO, pwede kang bumili ng pagkarami raming pots at spam mo lang para di ka mamatay. Sa DoTA, kung hindi ka nakabote, uwi ka na.

  9. Sa RO, pwede kang rumekta at mag sneak attack sa EMP. Sa DoTA, pagkatakot takot na tore ang kelangan mo lagpasan.

  10. Ang mga noobs sa RO, inaalagaan. Ang mga noobs sa dota, kinikick. May mura pang kasama.

  11. Ang katangahan sa RO ay pwedeng palagpasin. Ang katangahan sa dota, sandamakmak na mura ang kapalit. Sa RO, kadalasan weak at asa lang ang maririnig mo. Sa DoTA, T**** MO, BoBo, Tanga, Inutil, etc. In short, mas tagos sa laman ang trashtalk sa DoTA kaya marami na ang hindi nag hangad na gumaling at mag quit nalang!

  12. Ang RO, nakakapagpalakas ng pagkakaibigan. Sa DoTA, maraming pagkakaibigan ang nasisira.

  13. Sa RO, may asura, reloc, pots asura. Sa DoTa kelangan mo ng effort para makapatay.

  14. Sa RO, pag nabasag ang emp, ok lang bawi lang. Sa DoTa, pag nabasag ang frozen throne, WALA NG BAWI!!!

  15. Sa RO, pwede kang mag expel ng tanga. Sa DoTa, kelangan mong pikunin ng pikunin para mag leave.

  16. Sa RO, pwede kang manchixsilog para kumita ng pera. Sa DoTA, kahit manchixilog ka, paghihirap ka parin para sa pera mo.

  17. Sa RO, hindi issue kung sino ang makapatay sa kalaban. Sa DoTA, big deal. (refer to number 12)

  18. Sa RO pag nag EB, inuman at kwentuhan. Sa DoTA, pag nag EB, DoTA parin.

  19. Sa RO, ok lang mamatay, respawn ka lang. Sa DoTA nakakahiyang mamatay, dahil announced sa screen ang bawat patay mo at sinong nakapatay sayo.

  20. Sa RO, madali lang lumakas! Sa DoTA, pagkarami raming mura muna ang masasalo mo bago ka gumaling!!!

  21. Sa RO, pwede kang mag CR!!!! Sa DoTA pag nag CR ka, basag na ang tore!!!!

  22. Ang DoTA, nakakasira ng pangako! hahaha sinabi ko rin yan. Na hindi ako magdodota. pero ngaun kinain ko na ata lahat ng sinabe ko wahahaha

  23. Sa RO may emoticons, sa dota wala.

  24. Sa RO pwde mang exchange ng gamit. Sa Dota di na pwede (although dati pwede to).

  25. Sa RO pag may babae, kiss ass sa kanya ang mga lalaki. sa Dota pag may babae, sinisisi sya sa pagkatalo. TSK!!!!!
Sa sunod naman magsusulat ako Why Dota is Better than RO. Hehehe.

1 comment: