Friday, January 23, 2009

Weak Ka!

Sa dota, marami kang makikilala at makakabanggang mga manlalaro. Sila yung mga kaiinisan mo, yung kagi-gigilan mo at pinapanalangin mong sana hindi umabot sa Godlike at sana matalo.

Minsan may trashtalker na pikon, minsan may simpleng magaling. Yung tipong pag nagkaka-killing spree na yung kalaban ay biglang mag-aalboroto. Lahat ng palusot na pwedeng gamitin, ginamit na nila. At yung mga simpleng magagaling, yun yung mga nakakatakot. Tahimik lang pero maya-maya lang eh Beyond Godlike na bigla.

Minsan naman may tanga at bobo, at minsan naman may nagfi-feeling magaling. Nakakainis pag may kampi kang nag-susupply ng pera at gamit sa kalaban dahil sa kanyang deaths. Pero mas nakakainis kapag may kakampi kang kala nya eh napakagaling nya, pero sya rin pala ay magfi-feed. Papagalitan pa nya kayo kasi di nyo daw sya support. Pag namatay sya, it's never his fault. Eh sya tong ungas na sugod ng sugod na pula na ang buhay eh.

Meron din may mga reklamador at skwater, at meron din mga mahilig sa drama. Kesyo matagal magstart yung game, magf-flood na. As if naman ang pagf-flood eh makakatulong sa pag-start ng game. Yung iba reklamo eh puro lag. Ayaw pa kasi itapon ang bulok nilang PC sa imburnal. Pagtapos ng reklamo e magdadrama na yan. Lag dito, lag doon... "Sige aalis na lang ako para iwas perwisyo." Buti nga.

Minsan makakalaro ka ng mga baguhan at di marunong, yung tipong bumibili ng Vladimir's Offering para sa mga revenants ni Visage. Minsan din may mga banu at walang pag-asang gumaling sa dota. Tatlong taon na sila naglalaro sa dota pero ganun pa rin, di marunong mag last hit.

Pero para sakin, ang pinaka-nakakainis eh kapag jologs yung kakampi mo. Yung tipong sinisira lahat ng gamit na binibili mo. Sa versions ng dota kasi ngayon, pwede ka na bumili kahit malayo ka at kahit na wala kang manok. Yung gamit na binili mo e mapupunta lang dun sa Circle of Power mo. Unprotected. Kapag minalas ka nga naman at kups ang kakampi mo, kahit ilang piraso ng ultimate orb ang bilhin mo, pagbalik mo eh mawawala na. Bakit? Kasi dominating ka na at inggitero yang kampi mo at ayaw ka pabuuin ng gamit kaya sinira nya na lang. Napaka jologs naman. Kampi mo na nga gaganyanin ka pa. Sana naman maglabas ng update si fafa IceFrog na lahat ng gamit na nasa base eh hindi pwedeing sirain ng mga kakampi.

Kapag may mga ganitong klaseng players kang makikilala, parang ansarap gawin ito:

Photobucket

1 comment: