Tuesday, January 6, 2009

Twilight - Pinas Version

Dahil bagong taon na ngayon, sisimulan natin ito sa kwentong Twilight! Nakaka-excite di ba? Nagsulat ako dati tungkol sa pagka-hype ng mga tao sa Twilight na series sa libro, at lalo na nung ginawa itong pelikula. Noong Disyembre 24, nag-publish ang ABS-CBN sa online portal nila na ire-remake daw nila ang sikat na pelikula in full Tagalized version! Gravehlicious, na-excite naman ang mga kavavayan nateng feel na feel ang kilig sa Twilight.

Eto pa ang nakalagay sa balita:
“ABS-CBN has bought the rights to make a tv version of the hit vampire novel “Twilight”, ABS-CBN’s CEO, Euegenio Lopez III signed a contract last December 6, 2008 for the tv adaptation of Twilight, the rights cost a more than a million dollars, the taping is set to start next year by February in Baguio, Tagaytay, Bukidnon and some parts will tape outside the country. And it will be directed by Cathy Garcia Molina, the tv adaptation will focus with the love story between Edward and Bella, this is much more than a drama, romance, but also fantasy. This is co-produce by Ignite Media Inc.”

Source: Tinanggal na nila eh
[NOTE: ayoko na pansinin ang mali-mali sa grammar. Nano-nose bleed lang ako ehhhh!!] Subalit, madidismaya ang mga ultra-die hard fanatics kapag nalaman nila na hindi ito matutuloy. Nag-publish ng public statement ang ABS-CBN na mali lang daw ang balitang ito:
"The duty editor who uploaded the story failed to check with ABS-CBN Broadcasting Corp. whether the story was correct and accurate.

ABS-CBN Corp. Communications head Bong Osorio has since denied that the company will do a local remake of the movie, Twilight. "

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/12/30/08/erratum-twilight-remake
Kaya ayun, babay Shaina and Rayver. =( Sa sobrang lungkot ko gusto kong kumain ng ice cream!
Salamat nga pala kay Norman Bates sa pagkwento nito sakin!

No comments:

Post a Comment