Wednesday, January 21, 2009

Obamamania

Sa mga nakaraang araw, wala na akong marinig sa balita or mabasa sa dyaryo (online dyaryo ha) kundi Obama, Barack, Obama, President Obama... Obama dito, Obama doon. Sa sobrang hype kay Obama, kala mo presidente sya ng Pilipinas kasi parang nagiging Obamanation na rin tayo.

Sya ang "man of the month." Lahat ng balita sa TV hindi mabubuo kung walang kwento tungkol sa kanya. Ang mga news sa internet hindi kumpleto kung walang article tungkol sa pagkapanalo nya, sa chismis tungkol sa kanya, sa inauguration at pre-inauguration nya, at kahit na nga sa mga look-alike nya. Kahit na yung mga showbiz balita, nakiki-sakay na rin sa Obama-hype. Tulad na lang ng napakalaking balita na ang singing child prodigy na si Charice Pempengco ay kakanta sa pre-inauguration party ni Obama. Grabe (no offense to Charice fans, hinahangaan ko rin tong batang to eh).

Lahat na lang kasi ng bagay kelangan i-relate kay Obama e. Sa Facebook, lahat ng tao nagsi-sign up na mag-aattend daw sila ng pre-inauguration at inauguration ni Obama. Tapos lahat nag sign-up para sa CNN live feed ng event na ito. Biro mo, pati dyspepsia kelangan related kay Obama. Isipin nyo na lang yung advertisement ng isang gamot para sa dyspepsia kung saan nagharap si GMA-look alike (Tita Glow) at si Obama-look alike. Onga pala, yung Obama look-alike na yun ay hindi Pinoy kundi Indonesian. Wala lang, narinig sa news nung isang araw.

At higit sa lahat, hindi papahuli ang ating pambansang kamao.

Photobucket

Pero sana nga, yung "change" na sinasabi nya maramdaman naman ng Pilipinas... kahit kapiraso lang.

No comments:

Post a Comment