Thursday, January 22, 2009

MRT Rants!!!

GRABE!! Pakshet! $#%@&*!!!

Yan ang masasabi ko sa naranasan ko kaninang umaga. Pano ba naman, ang aga aga ko pumunta sa MRT station kasi ayaw kong ma-late. Hindi naman ako nagpuyat gaano kagabi kaya super confident ako na hindi ako male-late. Hindi na rin ako nag taxi kasi alam ko kahit mag-MRT ako eh hindi ako male-late eh.

But no!! Things did not go according to what I have planned. Kung mamalasin ka nga naman talaga.

Pagdating na pagdating ko kasi sa MRT station, aba akalain mo, sira yung escalator! Sa isip ko, kelangan ko na rin ng exercise kaya sige aakyatin ko tong sirang escalator. Sa taas, mahaba ang bilihan ng ticket at medyo mahaba yung pila papasok sa mismong sakayan ng tren. Buti na lang meron akong Stored Value Card at hindi ko na kailangan pa pumila ng dalawang beses.

Pagpasok ko sa loob ng sakayan ng tren, bukambibig kong sinabi ang "pakshet." Para kasing may mga kumpol ng mga langgam dun sa "yellow platform edge" eh. Sobrang dami ng tao!!! Grabe nalulula ako nun at inisip ko na lang kung anong strategy ang gagamitin ko para makasakay agad. Kala ko naman mabilis na makakarating yung susunod na tren, kasi antagal ng wala eh. Pero as usual, nagkamali na naman ako. Di ko ata talaga araw ngayon.

Antagal ko nag-intay, pramis. Siguro nakasakay ako after 20mins pa (huhuhu!). Tulakan na naman at walang sawang "excuse me" o "padaan po" ang maririnig mo sa bunganga ng mga tao. At ang nakakainis pa, dahil sa sobrang siksik, skin to skin na talaga ang mga tao.... Yuck... Kaka-ligo ko lang, kakalagay ko lang ng lotion, deodorant at pabango, kaka-ayos ko lang ng buhok ko... Tapos makikipag-party ako dito sa mga pawisan at minsan di pa naliligong mga babae... Naman naman! Hay!

Kaya eto, late ako. Pakingshet.

No comments:

Post a Comment